CHAPTER 13- HALIK[MARCUS ALI'S POV]
NAKASIMANGOT akong naglakad papasok sa loob ng bahay naming mga Demon's Watch. Tumingin ako sa hawak-hawak kong cellphone. Why she's not answering my fucking calls?!!!
Nakasalubong ko naman si Zachary noong paupo na ako sa sofa.
"o dude, ba't ganyan naman ang mukha mo?" tanong nito at inilapag sa table ang tatlong alak na magkaka-iba ang brand.
"I've been calling Klea for so many fucking times ang she's not picking up her phone!" naiinis kong saad.
"ohooo easy dude okay. Malay mo may ginagawa lang siya" he reasoned out.
Inis akong tumingin sakaniya at napabuntong hininga nalang ako.
"hahahaha wala ka pala e nagpabuhat kalang"
"anong nagpabuhat hoy akong nakapatay doon sa isang tore!"
"sus kung hindi lang kita binabakuran malamang lagi kang napapatay yawa haha!"
"ang yabang mo!"
Dinig kong asaran nina Leon at nung isa pa naming kasama dito sa bahay na si Jb, siya yung pinaka bata saamin.
"oh wala paba si Lennox?" tanong ni Leon noong makarating sila dito.
"wala pa nga e, kanina pa papunta yung ugok na 'yon" sagot ni Zachary at sinimulan na niyang buksan yung isang alak.
"hindi ba natin s'ya hihintayin?" tanong pa ni Leon.
"tsk tawagan mo nga" sabi ko sakanya.
Inis naman siyang tumingin saakin bago siya nag dial sa phone nito. Gagu!
Ganito talaga kapag meron kaming mga party nights o kahit na anumang gimik ay laging nahuhuli si Lennox. Siya lang kasi yung hindi nakatira dito. Gusto na rin niyang tumira dito kasama kame. kaso lang masyado siyang hinihigpitan ng mga magulang n'ya.
He's been suffered too much from his parents.
Maya-maya pa dinig ko ng kausap na ni Leon si Lennox.
"saan ka na daw?" tanong niya.
"ano?! Ayan tayo e hahaha" tumatawang sigaw ni Leon.
Napakunot naman ang noo ko.
"gago ayos lang saamin. Bastat siguraduhin mo lang na makaka puntos ka hahahaha" tawa pa niya. Inis ko naman siyang sinipa at matic na alam na niya ang ibig kong sabihin.
Ini-loudspeak nito ang tawag.
"hahahaha. Nahihiya nga ako sakanya" si Lennox.
Wth?
Mukhang kinikilig ang tokwa.
"nasaan n'yan kayo?" chismosong tanong pa ni Leon.
"Nasa thai Garden kami" saad niya.
"naks dude! Maganda d'yan 'pag gabi. Galingan mo!" sigaw ni Zachary habang tumatagay na sa baso nito.
Napatawa naman si Lennox. Tokwa talaga inlove na inlove.
"goodluck" sabi ko para naman may contribution ako sa convo nila.
"thanks dude." dinig kong sagot niya.
"hoy paano pala yung pinabibili namen?" tanong pa ni Leon.
"nakabili na ako. Dalhin ko nalang mamaya d'yan"
"ayos lang kahit hindi na haha. Mag enjoy kanalang d'yan!" sigaw na naman ni Zachary.
Nagtawanan nalang sila at pinatay na rin ni Lennox ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...