CHAPTER NINE

239 13 0
                                    

CHAPTER 9- BE READY

[THEO's POV]

HINDI ko alam kung lungkot, inis, sakit o galit ang namumutawi ngayon sa aking kalooban. Kailangan niya ba talagang ipagsigawan na ako'y isang multo lang? Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kalangitan.

Ang daming mga butuin. Napangiti ako ng mapait. Tumitingin rin kaya ako sa sa langit upang masilayan ang ganda nito tuwing gabi noong nabubuhay pa ako?

Mas lalo lang akong nalungkot sa isiping iyon. Ano kaya ang buhay ko noong nabubuhay pa ako? Sino kaya ako sa tunay na buhay at anong naging kasalanan ko para sapitin ko ito?

Muli akong napahinga ng malalim at sumandal sa puno sa aking likuran.

Parang nawawalan na ako ng pag-asa na mabuhay pang muli.

Si Priya na mismo ang nagsabi na multo lang ako at malabo niya akong magustuhan.

Pero ang ipinagtataka ko lang kanina. Bakit ko naramdaman ang pagtibok ng puso ko? Simula noong makasama ko si Priya ang daming nagbago sa akin.

Nabigla at napalingon ako sa aking kanan ng biglang magliwanag. Nasilaw pa ako kaya naman sinangga ko ang aking mga kamay sa aking mata.

Si Mama Lulu.

"Mama Lulu" gulat kong tawag sakanya. Unti-unti na ring nawala ang liwanag sa katawan nito.

"Haluuuuuuuuuuuu haaaaa!" mahabang tonong sabi niya.

"ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong ko.

"nasagip ng aking super powers kung nasaan ka, kaya naman mabilis akong nagtungo rito upang makita ka" masigla ngunit maarteng niyang usal.

"b-bakit po Mama Lulu? May kailangan po ba kayo saakin?" kinakabahan kong tanong.

"akin lang na naramdaman na ikaw ay nalulumbay ngayon. Kaya naman..." bumwelo ito at kumembot ng tatlong beses. "nandito ako para damayan ka and wait there's more! Upang mawala ang iyong kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa sarili, may ipapakita ako sa iyo." mahabang sabi niya at ikinumpas nito ang kanyang kanang kamay at biglang may bilog na nagliwang sa aming harapan.

Napatayo ako sa aking pagkaka-upo at lumayo ng kaunti sa nagliliwanag na bagay.

"a-ano po iyan Mama Lulu?" tanong ko sakanya.

Ngumiti lamang siya saakin at kumindat saka muling ikinumpas ang kamay nito.

"Alululululululululululu Alululululululululu Alululululululululu Alululululululululu" napamaang ako sa ginagawa ni Mama lulu. Para siyang buang na aso na may dinaramdamam.

Tumitirik-tirik pa ang mga mata nito.

"gayahin mo ako Theo dali" sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"a-ahh ehh h-hindi kop--" hindi niya ako pinatapos at muli itong nagsalita.

"dalian mona! Makikita lamang natin ng tuluyan ito kung sasabayan mo ako!" sigaw niya kaya wala akong nagawa kun'di ang gayahin siya. Langya!

"A-alu alu alulu--"

"hindi ganyan! Bilisan mo kagaya ng kung paano ko ibinibigkas ito! Ganito dapat! Gayahin mo ha?!"

"Alululululululululululu" sabay tirik ng mata niya "Alululululululululululu hinga ng malalim tapos ulitin mo ang Alululululululululululu. Ikaw naman" langya 'yan! Parang timang. Ginaya ko na lang siya para matapos na 'to.

"A-ahlulululululu," tinirik ko ang mga mata ko yawa "Alulululululululululu," huminga ako ng malalim. "Alululululululukkkkkkk-kuk-kukk" takte nayan nabilaukan pa ako! Umubo ako ng paulit-ulit pero napatigil din ako ng biglang may lumitaw na imahe sa bilog na lumiliwanag.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon