CHAPTER FIVE

333 19 0
                                    

CHAPTER 5- MISSION

[THEO's POV]

Haluuu! Ako si Theo, pero hindi iyon ang tunay na pangalan ko. Iyan kasi ang pinangalan saakin ni Mama Lulu eh! Nga pala, si Mama Lulu ay ang namumuno sa aming mga multo.

Kung hindi niyo naitatanong may sarili kaming mundo. At tinatawag namin ang lugar na 'yon na  'The Ghostland'

Dito napupunta ang mga ibat-ibang kaluluwa. At pagkatapos no'n, dito rin pagbabasehan kung nararapat ka na bang tumawid sa kabilang dako o kailangan mo pang manatili dito sa lupa.

Ako sa sitwasyon ko, kailangan ko pa raw manatili dito sa lupa sabi ni Mama Lulu. Meron pa raw akong maliit na tyansa para mabuhay. 'yun nga lang hindi ko o namin kilala ang mga pagkaka kilanlan naming mga kaluluwa dito. Tanging si Mama Lulu lang ang lubusang nakaka kilala talaga sa amin ng tunay.

Ang sabi lang saakin ni Mama Lulu ay nasa hospital raw ang katawan ko at comatose daw ako. Upang makabalik ako sa aking katawan, may kailangan akong tapusin na mission. At kapagka matagumpay kong maisasagawa iyon, makakabalik na daw ako sa tunay na mundo.

At ang mission na 'yon ay ang.....

Magpakasal sa isang mortal na tao.



[PRIYA's POV]


ISANG linggo na ang nakakalipas at hindi na muling nagparamdam sa akin yung gwapong multo. Huli naming pagkikita ay yung nahawakan ko siya.

Ewan ko ba. Diba nga dapat masaya ako? Pero taliwas no'n ang nararamdaman ng puso ko. Parang may kulang, parang may hinahanap. Yawa na 'yan! Ano bang pinagsasabi ko?!

"huuyy! Ang tahimik mo ah. Kanina kapa nakatulala d'yan" sita saakin ni Luna. Andito kami ngayon sa Cafeteria at kumakain.

Tinignan ko si Luna.

Nagtaka naman ang itsura nito dahil sa tingin ko.

"bakit?" nakakunot niyang tanong habang ngumunguya nung sandwich na nagustohan niya.

"Luna, nagka gusto kana ba?" seryoso kong tanong.

Nasamid naman ito sa kanyang kinakain.

"seriously Aye? Ba't mo natanong 'yan? May nagugustuhan kana siguro ano? Okaya naman si secret crush hihi" gulat niyang tanong.

Napaiwas akong ng tingin.

"wala akong nagugustuhan gaga at walang kinalaman dito si El" sabi ko.

"weehhhh? Totoo man palaman suman?" pangungulit pa nito.

"wala nga! At saka natanong ko lang naman kasi ang tagal na nating mag bestfriend pero ang dami ko ring hindi alam sa 'yo" paliwanag ko. Hindi sa ine echos ko ang usapan. Totoo naman kasing masikreto 'tong si Luna.

Hindi siya nakapag salita sa sinabi ko.

Maya-maya pa biglang nagsi hiyawan ang mga babae dito sa cafeteria.

"waaahhhhhh! The Demon Watch is here!"

"ang g-gwapo nila huhu"

"ang hot ni Lennox kyaaahhh"

"mas gwapo si baby Zachary hihi"

"i love you Marcus and Leon"

Hindi mapigilan ng mga babae ang kanilang kilig. Well, hindi ko naman sila masisisi. Talagang gwapo nga ang mga ito. Sa katunayan nga may crush ako isa sa sakanila hihi. Ang gwapo ni El huhu!

Pumwesto ang mga Demons sa kanilang trono. Apat lang silang magkakasama. Sa buong campus sila ang grupong pinaka sikat. At take note, hindi lang dito sa loob ng campus namin kung 'di pati narin sa mga ibang schools ay kilala rin sila.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon