CHAPTER THIRTY ONE

273 19 6
                                    


CHAPTER 31- WHO'S THEO?

[PRIYA's POV]

ILANG minuto na lang at magsisimula na ang selebrasyon ng aking ika labing walong kaarawan ngunit hindi parin ako nakakasigurado kung pupunta ba ang hinihintay kong lalaki.

Napalingon ako sa aking pintuan ng marinig kong bumukas iyon. Napangiti na lamang ako nang makita ang ayos niya. Isang mahabang kulay pink na dress ang suot ngayon ni Mommy at lagpas tuhod iyon. Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin at maluha-luha ang kanyang mga mata.

"I'm so happy that you are now in your legal age anak." Wika nito at inilagay sa likod ng aking tainga ang iilang kumawalang buhok.

"Mommy...thank you for this, salamat dahil pinaghandaan niyo talaga ang araw na ito." Usal ko at yinakap ko siya.

Sa totoo lang ayaw ko talagang gumastos ng malaki sina Mommy. Ang gusto ko lang sana ay simpleng selebrasyon lamang ngunit minsan lang daw itong mangyayari sa buhay ng isang tao kung kaya't pinaghandaan talaga nila ang aking debut.

"Kailangan mo ng bumaba at magsisimula na ang program." Sabi ni Mom. Tumango ako sakanya at sinabing mauna na ito sa ibaba.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng malaking salamin. Nakasuot ako ngayon ng isang purple at elegante na gown. Pinasadya pa ito ni Mom sa akin sa isang sikat na Fashion designer dito sa aming lugar at hindi rin talaga biro ang presyo nito. Napatingin ako sa aking leeg at pinagmasdan doon ang isang kwintas na gawa sa kahoy. Crescent moon ang nakaukit mula roon at hindi ko alam kung paano napunta ito sa akin.

Hinawakan ko iyon at hindi ko mawari ang aking mararamdaman dahil biglang kumirot ang puso ko. Minsan ko na itong tinanggal mula sa akin pero ibinalik ko rin kaagad dahil piling ko ay napaka importante sa akin niyon. Isang araw matapos ang Mutya ng gabi ay natagpuan daw nila ako na walang malay at agad na sinugod sa ospital. Tinanong nila ako nina Mommy kung anong nangyari pero wala talaga akong matandaan. Bastat ang alam ko nagising nalang ako bigla at suot ko na 'tong kwintas na ito.

Nagsimula na akong bumaba at nalula dahil sa dami ng mga nakita kong bisita. Karamihan ay mga ka-schoolmates ko at ang iilan naman ay mga kamag-anak namin at kaibigan nina Daddy. Agad akong inilalayan ni Jude pagkakita niya palang sakin papunta sa stage na itinayo nila. Marahan akong ngumiti dahil lahat ng tao ngayon ay nakatingin mula sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin at umaasang masusulyapan ko siya. Napangiti ako nang makita silang dalawa ni Luna na kumakaway mula sa akin. Kasama din ni Lennox ang mga kaibigan nito. Napaayos lahat ng tayo ang mga tao mula sa harapan ng magsimulang magsalita ang Mc na si Tita Daryl.

"Good evening ladies and gentlemen, It's an honor to the family De Vera that you made all came here tonight." Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao. "As we celebrate the 18th birthday of Ms.Priya Ayesha De Vera, let's also congratulate her for winning the 1st place of Mutya ng Gabi on her school last two weeks ago." Mas nangibabaw ngayon sa buong paligid ang pinagsamang hiyaw at palakpakan.

Nahihiya akong ngumiti sa kanilang lahat at nagpasalamat. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Bigla nalang akong kinabahan ng malakas. Muli ko kasing naalala ang gabing iyon na kung saan nanalo nga ako ng 1st place. Pero wala na akong matandaan na kasunod niyon pagkatapos. Isang napakalaking katanungan talaga iyon para sakin. Piling ko may kulang dito sa puso ko, sa pagkatao ko paggising ko mula sa ospital na iyon.

Muling nagsalita si tita Daryl ng kung ano-anong nakakatawa mula sa harapan. Pagkatapos ay pinag salita na niya sina Mom at Dad upang magbigay ng sweet messages sa akin. Matapos iyon ay sunud-sunod nang nagsalita ang mga taong kakilala ko at pagkatapos ako naman ngayon ang nasa pinaka harapan upang magbigay ng salita ng pasasalamat.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon