CHAPTER TWO

532 22 0
                                    

CHAPTER 2- MEET HIM

[PRIYA's POV]

HINDI ko alam kung anong naisipan ko pero tae bakit ko kausap ngayon 'tong multo na 'to.

"h-hindi mo naman ako siguro sasaniban diba?" nakangiwi at kabado kong tanong.

'Andito kami ngayon sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama habang siya naman palipad lipad lang sa buong kwarto. Ansakit na nga ng leeg ko kakasunod ko sakanya.

"pwede rin" sabi niya na ikinagulat ko. "Joke lang haha. Hindi ko naman gagawin sayo 'yon kaya huwag kang mag-alala" bawi niya.

"s-siguraduhin mo lang ah." kinakabahan ko paring sagot. Ngumiti lang siya at muling nagpaikot-ikot.

"p-pwede bang tumigil ka sa kakaikot mo. Nahihilo ako sa 'yo" sabi ko. Napatingin ito sa akin at biglang lumapit sa harapan ko. Ang bilis niya.

Nakangiti siya ngayon sa harapan ko. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? 'di ba niya alam na ang gwapo niya huhu. At saka ba't ang harot ko, e multo lang naman 'to ah! Nakng!

"b-bakit?" nauutal ako. Ang lapit niya masyado

"ang gwapo ko 'no? Haha" wika niya. Haluh! Mahangin pala 'tong multo na 'to ah.

"grabe dre self proclaimed?" sabi ko.

"bakit hindi ba?" sagot niya at nagpa cute pa ito na parang aso sa harapan ko. Kinagat kagat pa nito ang labi niya.

Nakng! Ang gwapo nga huhu.

Dahil do'n napalunok ako ng laway ko. Eew.

"oopss. Bawal ang mainlab ah?" sabi niya habang nakangiti.

Nabigla naman ako sa sinabi niya.

Parang yung dugo ko nadagdagan at umakyat lahat sa ulo ko.

"hoy ang kapal mong multo ka! Wag feeling bro!" sigaw ko rito.

Tumatawa lang siya. Pero takte galit ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko!? Hayop na multo 'to.

"lumayas ka na nga!" pagtataboy ko. "shoo shoo! Tabi tabi po"

Umiling lang ito ng nakaka loko.

"ayaw" nakalabi niyang sagot.

Nakng! Ang sarap.

What!!

Ano bang pinag-iisip ko!? Mygadd!

"ano ba talagang gusto mo saakin ha?" nalilito kong tanong at natatakot parin ng kaunti.

"Uhmmmm gusto nga kitang maging kaibigan e" sabi niya at nagpalipad-lipad na naman siya.

Nakng!

Feeling horry potter lang ang peg ha!

"b-bakit naman? Bakit ako?" curious kong tanong

"bakit naman hinde?" sagot nito. Tumigil ito sa kakaikot at lumapag sa aking harapan. Napaatras naman ako dahil do'n.

"b-bakit?" kinakabahan kong tanong.

Ngumiti muna ito bago nagsalita. "Ang cute mo pala hehe" nagulat naman ako sa sinabi niya. Aba! Bolero pala ang multong ito ah!

"l-lumayo ka nga saakin" mahinang sambit ko. Napalabi naman ito at seryosong tumingin saakin.

"ang sungit mo naman. Hindi naman kita sasaktan kaya huwag kang matakot" usal niya.

"p-pero multo ka parin, b-baka mamaya ano pang gawin mo saakin" natatakot kong sabi. Natawa naman siya.

Nakng! Ang gwapo niyang tuwawa ah?!

Ehh?

"hahahaha. Alam mo ikaw masyado kang matatakutin." tawa niya.

Hype na 'to! Sino bang hindi matatakot kapagka may multong nagpakita sa 'yo? And worse nakakausap mo pa! Tae!

"saka sa gwapo kong 'to, ako, sasaktan kita? Sus! Hindi naman yata makatarungan iyon!" aniya pa. Umiiling-iling pa 'to habang nakatingin saakin.

Nakng! Masyadong palang mataas ang confidence nito sa sarili niya.

"grabe ang taas ng kumpyansa ha? 'di ko maabot!" sarkastiko kong sabi.

"bakit? Hindi ka ba talaga naga-gwapuhan saakin?" seryoso niyang tanong.

"H-hoy! Alam mo ang magandang gawin natin?" tanong ko.

"ano?" curious niyang tanong

"U-umalis kana at huwag ka ng babalik dito!" kinakabahan kong sigaw sakanya.

Napamaang naman ito.

"grabi ka ah! Os'ya sige na nga. Pero babalik parin ako bukas para makita ka hehe" nakangiti niyang sagot at bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko.

Napahinga naman ako ng malalim at saka napaupo sa aking kama.

Hype na multo 'yon! May balak pa yatang magpakita bukas! So Creepeyyy!



---

A/N: Hi mga Pusooooo! Do not forget to vote and share. Salamat! <3

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon