CHAPTER NINETEEN

164 11 0
                                    


CHAPTER 19- KITA KITA

[PRIYA's POV]

MASAYA akong pumasok ngayon sa aming iskwelahan. Pero panira talaga ng araw ang mga deputang chismosang naririnig ko ngayon sa hallway!

"Imagine binigyan siya ng bulaklak ni Lennox! Not deserving" maarteng bulong nung babae. Tsk! Inggit ka te?!

"Oo nga! Bakit siya pa e hindi naman ka pretty-han" sagot naman nung kasama niya.

Mga inggiterang palaka! Balukubakin sana kayo! Marami pa silang mga babaeng nagpaparinig sa akin habang naglalakad ako sa hallway.

"She's not pretty so why baby Lennox want her?"

"malamang ginayuma niya si Lennox!"

Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag ko silang patulan. Kahit papaano ay may pagka-mabait pa naman ako.

"How could she do that?!"

"Ang pangit nilang love team ah?"

"Parang katulong lang, Eew!"

Maka eew 'te, piling maganda lang?! Taka!

Bigla akong napatigil sa paglalakad noong may maramdaman akong tumakip sa aking mga tainga. Napalingon naman ako at nakitang si Theo pala. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin habang nakangiti ng tipid.

"huwag mo silang pakikinggan." seryoso niyang usal.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingala sakan'ya. Ang seryoso ng mga mata nito. Naghahalo ang inis at pag-a-alala.

Nanatili parin ang kaniyang mga kamay sa aking tainga. Pero kahit na gano'n, dinig ko parin ang kaniyang sinabi at ang bulungan ng mga tao sa paligid, lalo na ang puso kong ang lakas sa pagkabog.

Kapag ganitong magkalapit kami sa isat-isa sandali akong nawawala sa aking wisyo. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan.

Naputol ang aming pagtitigan noong may tumawag sa aking pangalan. Humarap ako rito at tinanggal naman ni Theo ang mga kamay niya sa tainga ko.

"L-leon? B-bakit?" nagtataka kong tanong sakaniya.

Napayuko pa muna ito sa mga tuhod niya at pagod na hinihingal. Tumakbo ba siya papunta dito?

Noong maayos na ang kaniyang paghinga ay mabilis siyang umayos ng tayo at nag-a-alalang humarap saakin.

Kunot noo ko naman siyang pinagmasdan.

"S-si L-lennox," nauutal niyang sabi at hindi na siya makatingin ngayon saakin ng deretso.

Parang kinabahan naman ako.

"O, napano si Lennox?" nag-a-alala kong tanong. Parang bigla akong nakaramdam ng masama.

"N-naaksidente siya kagabi at kritikal ang lagay nito ngayon." saad niya at parang nanlamig naman ang aking buong katawan.

"H-huh p-paano?" nauutal kong sabi.

"Hindi ko rin alam e, bastat pinapasundo ka nila Marcus kung sasama ka ba raw sa hospital ngayon" paliwanag niya. Awtomatiko naman akong tumango sakanya.

"Huwag kang mag-alala naipag paalam na kita mga teachers mo kanina." seryoso niyang sabi at naglakad nakami pababa ng third floor. Parang hindi na nga yata lakad ang ginagawa namin e.

Noong makababa ay mabilis kaming tumakbo papunta ng parking lot para puntahan ang sasakyan niya.

"P-paano siya naaksidente? Hindi niya ba kayo kasama kagabi?" natataranta kong tanong. Nandito na kami ngayon sa kaniyang sasakyan at patungo na sa ospital.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon