CHAPTER EIGHTEEN

157 12 0
                                    


CHAPTER 18- THANK YOU AND SORRY

[LENNOX's POV]

MABILIS kong nilagok ang natitirang alak sa hawak kong baso at umorder pa ulit ako ng panibago. Nasa malayo ang aking paningin at pilit na bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Muli akong napatawa ng mapait, kasabay no'n ang pagtulo ng aking mga luha

Napakagat ako ng mariin sa aking labi at nalasahan ko pa ang sariling dugo. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin at parang nililipad ngayon ang utak ko at wala akong maisip na paraan para makawala sa lungkot na aking nararamdaman.

Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha at muling lumagok ng alak na halos kadarating lang. Napasabunot ang dalawang kong kamay sa aking buhok. Hindi ko parin matanggap na after all these years may lihim pala silang hindi sinasabi saakin. At ang katotohan pa do'n ay hindi nila ako tunay na anak.

Magiging masaya pa ba ako?

Hindi ko alam kung bakit humantong pa ang lahat sa ganito.

Would it still be the same if my older brother Kai is here? Magiging ganito parin kaya ang kanilang trato saakin kung kasama parin namin si kuya? I guess not, kampi kami lagi no'n e. He's the best kuya for me.

But now, galit na galit ako sakaniya. Siya lahat ang sinisisi ko ngayon kaya nararanasan ko lahat ng ito. Because of him my life has changed like a hell. Kung hindi niya ako iniwan hindi nangyayari ang lahat ng ito.

"napaka selfish mo k-kuya!" galit kong sabi at hindi ko mapigilan ang maging emosyonal.

'Sino ng magtatanggol saakin ngayon katulad ng dati? Sino na yung lagi kong malalapitan kapagka mayroon akong problema. You know it kuya that you are the only person I can lean on.'

Hindi ko na alam kung nakailan na ako ng inom ng alak. The only thing I know is masakit parin ang puso ko. Bigla kong naalala si Priya, napangiti naman ako kahit papaano dahil sakaniya.

Kahit na nahihilo, sinubukan ko paring kunin ang aking cellphone sa bulsa ko. But fuck! It wasn't there.

Para akong matutumba noong tumayo ako at nag-iwan ng cash sa ibabaw ng table. Pagkatapos, pagewang-gewang na naglakad ako palabas ng bar. Nabibigla naman ang sino mang mahahawakan ko. Ng makarating saaking kotse ay mabilis akong pumasok rito.

Inalog-alog ko ang aking ulo sa pag-asang mababawasan nito ang pagkahilo ko. But damn! Mas lalo lang lumala.

Nakita ko ang aking cellphone na nakapatong sa may harapan. Mabilis ko itong kinuha at kahit na nahihilo, sinikap ko paring tawagan ang numero ni Priya.

*Ring... ring... ring...*

*Toot... toot... toot...*

"B-bakit niya ako binabaan!" hindi ko maiwasan ang medyo magalit sa aking tono. Unti-unti ko naman nararamdaman ang pagsara ng mga talukap ng aking mata.

Pinilit kong huwag makatulog kahit na hilong-hilo na ako.. Biglang napagawi ang aking paningin sa letratong nasa aking basurahan. Mapait naman akong napangiti.

Ito yung muntikan ng makita ni Priya kagabi. Marahan kong kinuha iyon at maiging pinagmasdan.

"I hate you!" sigaw ko rito sa letrato! Kahit na nanghihina, pinilit kong punitin ito hanggang sa magpiraso.

"B-but fuck! I-i miss you so much you k-know that?! Ha?! Alam mo ba 'yon?!" sigaw ko. Hindi ko yata naisara ang gripo sa aking mga mata dahil kanina pa 'to tumutulo na walang katapusan.

I start the engine of my car. Pero napayuko na lang ako sa aking harapan dala ng pagod at kalasingan. Tuluyan na akong nanghina. Bago pa ako tuluyang pumikit, huli kong naalala ay ang mga taong nagsisigawan sa labas. Sumisigaw sila na ihinto ko ang sasakyan.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon