CHAPTER TWENTY THREE

153 10 0
                                    

CHAPTER 23- CAN I COURT YOU?

[THEO's POV]

SA LOOB ng mahigit dalawang linggo ay tuluyang nanghina ang katawan ko. Lagi akong nasa isang puno at mapait lang na pinagmamasdan ang isang napalaki at malalim na talon. Kung titignan parang isang kaharian ang ghostland, mas pinaganda pa ito ni Mamalu. Ngunit lahat ng nandito na makikita mo ay huwad lamang.

Sa mahigit dalawang linggo na 'yon ay ganon lamang ang aking ginagawa. Umiiyak na hindi ko namamalayan. Sumasagi sa isipan ko kung makikita ko pa ba sa huling pagkakataon ang mga pamilya ko.

Nakiusap ako kay Mamalu isang araw kung pwedeng maglaho nalang ako sa kawalan, pero gusto ko munang makita at masilayan man lang ang mga pamilya ko. Mariing tumanggi sa aking kagustuhan si Mamalu. Hindi pa daw iyon ang tamang oras.

"Nabigo lang din naman ako sa aking misyon, pagbigyan niyo na ako," nakaluhod at umiiyak kong pansusumamo sakanya.

Malungkot naman itong umiling.

"Theo, hindi pa oras ng lahat. Tsaka, sinukuan mo na ba talaga siya?" patungkol niya kay Priya. Mas lalo naman akong nanghina.

Ayaw kong isipin na dahil lang sa aking misyon kaya ko siya nagustuhan. Hinihiling ko na sana, nagka kilala nalang kami nito sa magandang sitwasyon, sa wastong oras, at sa totoong mundo, hindi gaya nito na multo lang ako at may ibang mundong ginagalawan.

Parang ang tanga ko na nga e, may mga pagkakataon na tumatalon ako sa ilalim ng talon upang wakasan na ang lahat ng 'to. Pero naalala ko nga pala na kaluluwa pa rin ako at hindi totoo ang talon.

Sa mga oras na 'yon, gusto ko nalang talagang mawala, ang maglaho. Pero isang gabi biglang nagliwanag ang buo kong katawan na ikinagulat at talagang ipinagtaka ko.

Dumating si Mamalu at ipinaliwanag ang nangyayari.

"Halu! Isa lamang ang ibig sabihin nito, tinatanggap na ni Priya na gusto karin niya."

Literal na nagulat ako sa kanyang winika. Nakaramdam ako ng malakas na kaba. Nanatiling nagliliwanag parin ang aking buong katawan at parang biglang bumalik ang aking lakas.

"T-totoo po ba, Pero sinabi na niyang hindi ako nito gusto." naguguluhan kong tanong.

Hindi sumagot si Mamalu bagkos pinalagitik nito ang kanyang mga daliri at may lumabas na nagliliwanag na bilog sa aming harapan.

Nakita ko si Priya at nakatingala itong nagsusumamo sa kalahati lang na buwan. Bigla akong nakaramadam ng saya at kaba.

Pagkatapos, naglaho na din ang liwanag sa aking katawan. Tumango sa akin si Mamalu at nakangiti akong nagpaalam sakanya upang puntahan si Priya.

Labis naman ang aking kagalakan noong inamin nga niya na may gusto rin ito sa'kin. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko no'n sa mga sandaling iyon.

Pero mabilis din akong nagpaalam sakanya dahil kailangan kong mapuntahan agad si Mamalu. Itatanong ko kasi ang kakaibang nangyari sa akin kanina.

"Mamalu. Kailangan kitang makausap!" sigaw ko. Umaga ngayon dito sa ghosland at bibihira lang dumating ang gabi rito.

Nagliparan pa sa hangin ang mga bulak na naaapakan ko. Nagmistulang puting mga neyebe ang mga ito sa buong paligid.

Mas lalong lumakas ang hangin pero hindi parin nagpapakita si Mamalu.

"Mamalu!" muling kong sigaw na tawag.

Muling lumakas ang unos at nanlaki ang mga mata ko nung may papalapit sa aking malaking putol na puno. Dahil sa lakas siguro ay natangay nito ng hangin kanina.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon