CHAPTER ONE

751 33 0
                                    

Disclaimer: This is a Work of Fiction... Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

CHAPTER 1- NGITI

[PRIYA's POV]

Nagising ako sa biglaang paglamig ng aking kwarto. Nakasimangot akong tumayo habang pakamot-kamot pa sa aking buhok na magulo.

Nagtaka ako dahil hindi naman ako nagsindi ng Aircon kanina bago ako matulog. Dahil alam ko nagtitipid kami ngayon. Pero bakit nakasindi 'to? Binuksan kaya nina mommy?

Hindi nalang ako nag-isip pa at pinatay ko nalang ang aircon.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Padapa akong pumwesto at saka ako nagtalukbong ng kumot. Ang sarap matulog hehe.

Pero maya-maya pa may nararamdaman akong parang may humihila paibaba sa kumot ko. Bigla akong napadilat ng mga mata. Kasabay niyon ay ang pagsiklab ng aking kaba. Tengene sino 'yun?

Dahan dahan ng bumababa ang kumot. Habang ako nanginginig na sa takot. Tumatagaktak na rin ang pawis ko kahit malamig naman. Pero tengene mas lalong lumalamig ang paligid ko kaya naman mas lalo akong kinabahan. Huhuhu kakalipat lang kasi namin sa bahay na 'to at hindi pa nabe-bless. Pero tengene nemen, bakit saakin pa nagparamdam kung ano man ang nilalang na ito!

Napapikit ako ng mariin at parang napako sa aking kinalalagyan ng tuluyan ng matanggal ang kumot sa aking katawan. Diosko lord help me huhuhu! Ayaw kong humarap kaya naman stay put lang ako. Para akong baliw dito na nakadapa huhu.

Maya-maya pa biglang may nagsalita.

'h-hi?" boses ng isang lalaki.

Lalaki?

Tengene!

Mukhang hindi multo ang nakapasok kundi magnanakaw. At please lang, huwag niya sana akong i-rape huhu.

Anong gagawin ko? Sisigaw ba ako?

Unti unti akong bumangon at dahang-dahan na humarap sa magnanakaw.

Pero holy-shet pakbettt! Tengene! Ninakawan yata ako ng dugo sa nakita ko. Waaahhhhhhhh!

May isang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. At speaking of dugo, ang dami niyang dugo sa ulo papuntang sa kanyang mukha. Tengene! Multo nga!

Hindi ko alam kung paano pero nakalabas parin ako sa aking kwarto. Hapong-hapo ako kaya naman bigla akong nanghina at napaluhod. Nakita kong nakasunod saakin yung multo kaya naman napasigaw na ako ng...

"MOMMYYYYYYYYYY MAY MULTOOO" Nabilaukan pa ako d'yan sa pagsigaw ko.

Pero tengene, nakalapit na saakin ang multo pero this time wala ng dugo sa mukha nito.

Napatulala naman ako.

Multo ba 'to? Ba't ang gwapo! Waaahhhhhhhhhh!



Hello, I'm Priya Ayesha De Vera, 17 years old at naniniwala sa kasabihan ng nanay ko na, ako lang ang pinaka magandang babae sa buong planeta! Chawr!

Kasalukuyan akong 'andito sa hospital. Nahimatay kase ako kagabi at tinakasan ng dugo sa katawan. Paano ba naman kase nakakita ako ng multo huhu. Ito namang mga magulang ko ayaw maniwala saakin na nakakita ako ng multo kagabi. Sabi daw nila baka naninibago lang ako sa bagong bahay! Takte na 'yan!

Gusto ko nga sana sa albularyo kami pumunta o'kaya naman sa pari. Para naman malaman nila mommy na nagsasabi ako ng totoo.

Pero infairness ah, ang gwapo ng multong nakita ko. Kung hindi nga multo 'yon at literal lang na magnanakaw, ay naku ako pa magre-rape do'n. Chawr!

Noong hapon din na iyon ay nakauwi nakami sa bahay. Pero tae natatakot na 'kong pumasok sa kwarto ko.

"anak you need to rest. You don't have to worry at hindi totoo 'yang multo multong sinasabi mo" seryosong usal saakin ni mommy.

"Ihhhhhh," nagpapadyak ako na parang bata.

Paano ba naman kase ayaw nila akong patulugin sa kwarto nila. Kesyo daw na magiging istorbo lang ako sa paglalambingan nila. Yawa na 'yan!

"anak your mom is right. Malaki ka na at kailangan mong maging matapang. And besides huwag kang mag-aalala dahil bukas na bukas din ipapa-bless na natin ang bahay na 'to" si daddy.

Parang nabuhayan naman ako. Yeheeeyyy!

"totoo po ba?" masaya kong tanong kay daddy.

Tumango lang ito ng nakangiti.

At dahil do'n umakyat na ako sa taas ng aking kwarto. Nag-alinlangan pa akong buksan ang pinto noong una pero pilit kong tinatagan ang loob ko.

Nang makapasok ay napahinga naman ako ng malalim.

"whoooo. Sana naman huwag ka ng magpakita" pasintabi ko.

Umupo ako sa kama at nakiramdam muna sa paligid. Ng masiguro kong kampante na ako, pabagsak akong humiga sa kama.

Pero tengene nemen nyen!

Yung multo! Waaahhhhhh!

Andun siya sa kisame at nakangiti siya ngayon saakin.

"h-hi?"

Sa sobrang takot ko hindi ako makasigaw. Literal na nanigas ang aking katawan at tulala lang ako na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakanya.

"huwag kang matakot hindi kita sasaktan" sabi pa nung multo.

Nanginginig ang buo kong katawan. Lalo na nung dahan-dahan itong bumababa mula sa kisame.

Yawa!

"uhhmm, ikaw si Priya 'diba?" tanong nito. Magkaharap nakami ngayon. Waahhhhh! Help me lord!

Hindi ako nagsasalita at gulat paring nakatingin sakanya. Nararamdaman ko ang labi kong nanginginig yung tipong malalaglag na ito.

"sorry ah kung nabibigla ka. Mabait naman ako, hindi kita sasaktan" aniya.

Hindi na ako nakatiis at mabilis akong bumangon sa pagkakahiga. Lumagpas lang ako sakanya.

Pipihitin ko na sana yung pintuan kaso lang tae nandun na siya agad. Waahhhhhh anong gagawin ko huhu?

"a-ano bang k-kailangan mo?" nangingig kong tanong.

"ikaw" diretso niyang sagot.

Ako? Bakit?

"b-bakit?

"wala lang, gusto lang kitang maging kaibigan" nakangiting usal niya.

Napapatulala na lang ako. Pero hindi dahil sakanya. Kung 'di dahil sa ngiti niya. Ehh? Eng lende ah!



--

A/N: Hi mga Puso, I just want to thank you guys for giving me a chance to make me continue this story of mine.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon