CHAPTER 16- PICTURES[THEO's POV]
BUONG magdamag akong nag-isip kung ano ang mga kailangan kong gawin upang mapunta saakin ang buong atensyon ni Priya.
Hindi ako magpapatalo sa Xerox na 'yon! hindi ko hahayaan na tuluyan siyang magiging sagabal sa aking plano.
Kaya naman, pinuntahan ko si MamaLu at tinanong ko ito kung ano ba ang mga gusto ng isang babae, "Haluuu maraming gusto ang mga babae, ngunit sa iba't-ibang paraan naman," sabi nito.
"Ganon po ba?" tanong ko, "alin po kaya ang mas magandang gawin na paraan para kay P-priya?" dugtong ko sa aking sinasabi at nautal pa.
Tinignan naman ako ni Mamalu ng nakakaloko. "Haluuu ikaw ha! May balak kabang gawin kay Priya?" nanunukso nitong tanong. Napaiwas naman agad ako ng tingin sakanya at kumamot sa aking ulo.
"O-opo sana, balak ko sana siyang bigyan ng kung ano mang makakapag pasaya sa mga babae, k-kaso lang po hindi ko naman alam ang gagawin ko." kinakabahan kong saad. Tumawa naman siya ng malakas at parang kinikiliti.
"Uhmm, paano ba 'to?" tanong niya habang nakangiti parin ng nakakaloko.
Mukhang iba yata ang pagkaka-intindi ni Mamalu ah? Baka akala niya kaya ko 'to ginagawa ay para sa sarili kong kagustuhan.
"ano bang mga nakita mo na kay Priya na talagang gustong-gusto niya?" nanliliit ang mga matang tanong saakin ni MamaLu.
Napaisip naman ako, ano nga ba?
"Uhmm wala po akong alam e," nakasimangot kong sagot.
"Isipin mo Theo," pamimilit niya.
Uhmm ano nga ba? Ah alam ko na!
Bigla kong naalala na mahilig siya sa bulaklak. Noong binigyan kasi siya nung Xerox na 'yon ay talagang nakita ko sa mukha ni Priya na tuwang-tuwa ito.
"Alam ko na Mamalu!" mabilis kong sagot sakanya. Nagtaka naman ang kaniyang mukha at tinanong kung ano 'yon.
"Ano ba 'yon Theo?"
"Masaya po siya kapag may natatanggap na bulaklak," masayang usal ko at napapitik pa ako sa hangin.
"Sigurado ka ba d'yan?" maarteng tanong pa niya.
"Opo naman hehe,"
"Osiya sige kung iyon ang gusto niya edi kumilos kana ngayon palang" saad niya at nataranta naman ako.
Napakamot ako sa aking ulo at nagtanong. "Saan po ako kukuha ng bulaklak e 'di naman po ako makakabili no'n," sabi ko.
Umiling-iling naman si MamaLu habang nakangisi.
"Ano kaba Theo! Napakarami nating tanim na mga bulaklak dito sa ghostland." paliwanag ni Mamalu at nabuhayan naman ako ng loob.
"Talaga po? Saan ko po sila makikita?" masayang tanong ko sakanya.
Ngumiti naman saakin si MamaLu at dahan-dahang lumingon sa kaniyang likuran. Napatingin naman ako doon.
"Sa loob ng malalaking ugat ng puno at mga halaman na iyan, pumasok ka at makikita mo ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak." nakangiting paliwanag saakin ni Mamalu. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Totoo po ba MamaLu? Hindi ba ako babawalang pumitas?" nangangamba kong tanong.
Umiling naman siya at sinabing, "Walang sisita sa iyo Theo. Kaya naman sige, pumaroon kana at ikaw na ang bahalang pumitas ng mga nanaisin mo" Aniya. Nakangiting tumango naman ako sakaniya at nagpasalamat bago ako nagtungo doon.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...