CHAPTER 30- KASAL[PRIYA's POV]
PAGTATAKA sa mukha ng driver ang masisilayan mo doon. Mabilis na inabot ko sa kanya ang bayad at lumabas mula sa kanyang sasakyan. Sa hitsura nito ay parang may gusto itong sabihin sa akin. Ngunit pagkaraan din ng ilang minuto ay binuhay na nito ang kanyang sasakyan at umalis.
Hindi ko naman siya masisisi. Nandito lang naman ako ngayon sa isang madilim na lugar at bihira nalang daanan kapag ka ganitong gabi na. Base sa pagkakaalam ko, isa itong short cut papasok ng syudad.
Naramdaman ko ang malamig na hangin na yumakap sa akin. Yinakap ko ang aking sarili at nilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Madilim at tanging ilaw na nagmumula lamang sa kalahati na buwan ang tumatanglaw sa buong paligid. Nagsimula akong humakbang papunta sa isang puno ng akasya. Ang puno kung saan naaksindente dati si Theo at ang lagusan nila patungo sa sinasabi nilang Ghostland.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na siya. Pero ang mas hindi ko alam ngayon ay kung paano ako makakapasok sa loob ng punong ito. Muli kong inilibot ang aking paningin at nagbabasakaling makikita ko si Mamalu. Anong gagawin ko? Kakatok ba ako sa puno? Napangiwi ako sa aking naisip.
Maglalakad sana ako ng mas malapit sa puno nung biglang napasigaw ako. Muntik ko ng mailuwa ang atay ko dahil sa sobrang pagka gulat. Piling ko tinakasan ako ng aking dugo sa buong katawan.
"Ay haluuuu, talagang nakakagulat ba ang fes ko?"
Napahawak ako sa aking dibdib at humarap kay Mamalu. Nagtaka ako dahil parang nakaayos ito. Hindi tulad kahapon nakasuot lamang ito ng mahabang puting bestida. Pero ngayon ay nakasuot ito ng elegant white dress at prenteng nakaayos rin ang kanyang buhok.
"Haluuuu? Mukhang nabighani ka yata sa kagandahan ko? Ahihihi." Bumalik ako sa aking ulirat ng iniwagayway nito ang kanyang kamay sa aking harapan.
"Kung nagtataka ka ba't ako nakaayos, dahil ngayon lang naman ang kasa-"
Hindi natuloy ang sinasabi niya. Naramdaman niya siguro na napalitan ng lungkot ang hitsura ko. Ito ang araw kung saan magpapakasal kami ni Theo. Ito rin yung araw na makakabalik na siyang muli sa kanyang katawan at masaya ako para do'n. Pero naramdaman ko ring kumirot ang puso ko nang maalala ang kapalit nito.
"Handa ka naba?" Tumingin ako kay Mamalu at wala na ang kaninang maaliwalas na hitsura nito. Napalitan din iyon ng lungkot.
Marahan akong tumango.
Nagpakiramdaman muna kami ni Mamalu at wala munang nagsalita sa amin. Biglang bumigat ang damdamin ko. Kailangan ko 'tong gawin para sakanya. Kung ito ang tanging solusyon upang mabuhay siya ay gagawin ko at hindi ko iyon ipagdadamot sa kanya dahil mahal ko siya.
"H-haluuu, h-handa kanaba?" Basag ang boses na tanong niya.
Huminga ako ng malalim at lumunok ng makailang ulit. Handa na ba ako?
"Priya...kung hindi taos sa puso mo ito ay hindi tatal-"
"Taos ito sa aking puso Mamalu. M-masakit man at nakakalungkot ang kapalit nito p-pero mas masakit sa akin kung tuluyang mawawala si T-theo at maglalaho na lang bigla sa k-kawalan." Naramdaman kong sumakit ang aking lalamunan. Pinilit kong huwag maiyak para kapag nagkita kami mamaya ay hindi maga ang mga mata ko. Pero tae hindi ko mapigilan. Naiisip ko palang na kapag nakabalik na ito at gumising mula sa ospital ay patunay lamang iyon na makakalimutan na namin ang isat-isa.
Hinayaan na muna ako ni Mamalu. Kailangan kong ilabas lahat ito ngayon para huwag ng umiyak pa mamaya sa harapan ni Theo. Pero alam ko sa sarili ko na isang kasinungalingan lamang iyon. Hindi na yata ito matatapos pa gaya ng isang ulan mula sa napakalakas na bagyo, walang tigil at patuloy lang sa pagbagsak.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...