CHAPTER THREE

459 18 0
                                    

CHAPTER 3- EPIC FAILED

[PRIYA's POV]

KINABUKASAN maaga akong kumilos para pumasok sa school.

"Ayeeeeeeee!" naglalakad ako ngayon sa hallway ng marinig ko ang sigaw ng bestfriend ko.

"Lunaaaaaaa!" sigaw ko rin dito at nagbeso kami saka kumembot ng tatlong beses. Ganiyan talaga kami kapag nagkikita haha.

"namiss kita huhu" kunwaring umiiyak niyang sabi.

"gaga ka! Dalawang araw lang tayong hindi nagkita" sabi ko naman at binatukan siya.

"aray ahhh! Makabatok naman" nguso niya.

"sowwieeeeee po" sabi ko saka ko siya pinisil sa dalawa niyang pisngi.

"hihi ayuuussssss langg poooo" mahaba ang tonong sagot niya at para kaming baliw na dalawa na tumatawa.

"tara pasok na tayo?" aya ko.

"lesssssgoo!" masigla niyang sabi at magkahawak kamay kaming kumembot-kembot na naglakad papasok ng room.

~π~

Habang nagdi-discuss ang teacher namin sa harapan, bigla nalang akong naglamig. Tumingin naman ako labas at nakitang tirik naman ang haring araw ngayon.

May hinala na ako pero hindi ko nalang pinansin iyon.

"Pri-yaaa" parang may bumulong saakin.

Alam ko kung sino ito kaya naman nagkunwari akong hindi ko siya naririnig.

"di-to sa lii-kuu-ran mooo" maya-maya pang sabi niya.

'Huwag mo siyang pansinin Priya. Relax ka lang gurrlll. Aalis din 'yan.' sabi ko sa sarili ko.

"huuuuyyyyyyy" pangungulit niya pa. Stay put kalang Priya!

Napalingon naman saakin si Luna.

"huyyy, parang natatae kanaman d'yan?" mahinang bulong niya saakin.

Tinignan ko naman siya at tipid na nginitian

"w-wala 'to hehe." sabi ko.

"totoo ba? E para kang natatae eh, pinagpapawisan kapa ng bongga." nag-aalala niyang tanong

"hindi ako natatae gaga ka" pagsusungit ko bigla sakanya.

"eh ano?" muling tanong nito. "natae kanaba sa panty mo bes?" nag-aalala niyang tanong.

Aba baliw din 'to e! Sa tanda ko na 'to tatae pa ba ako sa panty ko!?

"manahimik ka na nga lang. Hindi ako natatae at lalong hindi ako natae gaga ka." paliwanag ko kaya naman tumigil na siya.

Narinig ko namang tumatawa ang multo sa likuran ko.

Arghhhh!

Yari saakin mamaya 'to!

Bubuhusan ko siya ng maraming Holy water mamaya akala niya d'yan ah!

~π~


Naglalakad nakami ngayon ni Luna papuntang Cafeteria. At kung itatanong n'yo kung nasaan yung multo? 'Andito lang naman siya sa itaas ko at palutang-lutang. Bwissettt na 'to!!!

"ano bang tinitignan mo sa itaas Aye?" nagtatakang tanong ni Luna saakin. Napalingon naman ako sakanya.

"A-ahh w-wala. Ang ganda kasi ng panahon ngayon puro ulap hehe" paliwanag ko. Nagtaka naman ang itsura niya saka siya napatingin sa langit.

"huh? Wala namang masyadong ulap ngayon ah?" nagtataka niyang tanong. Nawala naman yung ngiti ko at muling tumingin sa langit.

Kaso putengene talagang binu-bwisit ako ng multong ito. Imbis na langit ang masilayan ko, ang mukha niyang nakadungaw saakin ang nakikita ko. Taas baba pa nito ang mga kilay niya at nakangiti ng nakakaloko.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon