CHAPTER 20- PAG-AMIN[PRIYA's POV]
LUMUHOD ako sa harapan ni Potpot at gulat parin na tumingin sakan'ya.
"Potpot, nakikita mo ba siya?" kinakabahan kong tanong patungkol kay Theo.
Nagtaka naman ang kaniyang hitsura at napatagilid pa ang kaniyang ulo saka sinilip si Theo sa aking likuran.
"Opo naman ate, boypren n'yo po ba siya?" inosente nitong tanong at gulat naman akong napaupo sa buhangin. Nakng!
"A-hh hahaha h-hind—" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko noong emepal ang tukmol.
"Hello Potpot," nakangiti siyang lumapit sa bata at lumuhod. "Ako nga pala si Theo, tawagin mo nalang akong kuyang pogi ah." pang-uuto niya sa bata at pinisil pa nito ang magkabilang matatabang pisngi ni Potpot.
Ang kapal talaga ng mukha!
"At oo tama ka, mag jowa kami ng ate Aye mo," aniya pa na nagpalaki sa mga mata ko. Mabilis naman akong napalingon sakaniya. Ang kapal talaga! Magsasalita na sana ako para sumbatan siya pero tinignan ako nito ng makahulugan at pasimpleng tinuturo ng mga mata niya si Potpot.
Nagtataka naman kaming pinapanood ng bata at tila bang sinusuri kami nito.
Napahinga nalang ako ng malalalim at saka nakangiting inis na tumayo. Humanda sa 'kin mamaya ang multo na 'to!
Tumayo na rin si Theo at lumapit sa akin. Gulat naman akong napaatras sakan'ya.
"B-bakit?" nabibigla kong tanong.
"Ang dumi na ng prinsesa ko." nakanguso niyang sambit at nabigla ako sa kaniyang sunod na ginawa noong pinagpagan nito ang aking paa papunta sa aking puwet.
Dapakkkkkkkkk?!
"A-ano bang ginagawa mo?!" saad ko sakan'ya at agaran siyang itinulak.
"Ayy ang bad ng prinsesa ko, pinagpagan ko lang naman ang dumi sa puwet mo mahal ko," Tae talaga! Hindi ba siya nangingilabot sa mga pinagsasabi niya?
Narinig ko namang tumatawa si Potpot habang masayang nakatingin sa amin.
"Ang sweet niyo po pala haha, para po kayong sina mama ko po at papa." wika ng bata.
Nakng! Anong sweet doon! Paki explaainnnhaaa!
"Ang sweet daw natin mahal o, payakap nga ng isa," nangising sabi niya at aktong yayakap na sana siya sa akin noong mariin ko itong kinurot ang tagiliran niya.
"Manahimik kanang tae ka!" naiinis kong bulong sakaniya. Namilipit naman ito sa sakit. Bagay nga sa 'yo!
"Napano po ikaw?" muling tanong ni Potpot kay Theo.
Napaayos naman agad ng tayo si Theo at ngumiti ng pilit sa bata, "Hahaha w-wala 'to. Ganyan talaga kami maglambingan ng ate mo hehe, sakitan." aniya.
Inambangan ko naman siya ng tingin kaya napaatras ito. Bahagyang naiinis ang kaniyang mga mata sa akin habang nakanguso.
Lumapit nalang ito kay Potpot at hinawakan sa kamay.
"Tara maglakad na tayo?" nakangiti niyang usal sa bata at tinignan ako.
Tinaasan ko naman siya ng aking kilay at nauna akong naglakad sakanila.
Hindi ko alam pero pasimple akong napahawak sa aking dibdib. Ang bilis na naman ng tibok nito. Napapailing nalang akong nagpatuloy sa aking paglalakad.
"Prinsesa ko hintayin mo naman kami!" dinig kong tawag pa ni Theo. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng tipid.
Nakng! Ba't ako ngumiti?!
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Genç KurguMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...