CHAPTER 22- WHAT IS LOVE?
[PRIYA's POV]
LUMIPAS muli ang isang linggo na walang nagpapakitang Theo. Kahit mahirap, tinanggap ko nalang sa aking sarili na hindi na muli pa ito magpapakita. Pero nakakapag hinayang lang kasi, kahit sandali ko palang siya nakasama, at kahit lagi niya lang akong ina-asar, nasanay na 'kong lagi siyang nand'yan sa tabi ko.
"Hey, why so serious?" tanong sa'kin ni Lennox. Napatingin naman ako sakan'ya. Kakalabas niya lang kahapon mula sa ospital pero nagpumilit na itong pumasok ngayon.
"Iniisip ko lang yung ginagawa kong baby thesis," rason ko sakan'ya. Ngumiti naman siya ng malaki at binigay pa sa'kin ang kinakain niyang banana cake.
Dinig ko naman ang mga bulangan ng mga inggitera dito sa cafeteria.
"Just don't mind them, kumain kalang,"
Ngumiti naman ako sakan'ya at bumuntong hiningang napaharap sa binigay niyang pagkain.
Kumain nalang ako. Hindi ko kasama si Luna dahil nasa hospital na naman ito. Ewan ko pero parang nagiging kritikal na daw ang kalagayan ni Dominic Kai. Tinanong ko naman iyon kay Lennox pero hindi niya man ako sinasagot. Bagkos iniiba nito ang usapan.
Napaisip naman ako. Hindi ba sila okay ng kapatid niya? Pero kahit na, kapatid niya parin iyon at dapat siyang mabahala sa mga nangyayari ngayon.
"Uhm, mamaya pala susunduin kita sa classroom n'yo," usal niya.
"Sige lang," sagot ko at ngumiti ng tipid.
May balak kasi siya mamaya na kumain kami sa labas.
"Nga pala, kailan pa lumipat dito si Ry?" tanong nito. Napaharap naman ako sakanya ng nagtataka. Kilala niya si Ryry?
"Kilala mo si Ryry?" gulat kong tanong.
Nakangiti naman siyang tumango.
"Yes, kaklase ko siya ngayon." aniya. Napatango naman ako. Kaya naman pala. Pero bakit alam niyang kakilala ko si Ry? Nabanggit niya kaya kay Lennox na magpinsan kami?
"Ang lokong iyon hindi na nagbago haha,"
Muli akong nagtaka. Ano daw? Magka kilala na ba sila dati pa?
"You look so wondering," saad niya. Inusog pa lalo nito ang upuan sa mesa at nakangiting humarap sa akin.
"I know Ry since bata pa kami...tayo." paliwanag niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"A-ako? Kilala mo na ako nung bata pa tayo?" naguguluhan kong tanong.
"Yes, itanong mo nalang kay Ry pag-uwi mo mamaya." nakangiti niyang sagot.
"Huh ba't hindi pa ng—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung biglang tumunog ang bell.
"Lets go? Hatid na kita." tumayo na siya at kinuha ang bag nito na nakapatong sa kabilang upuan.
Napahinga nalang ako ng malalim at tumango sakanya. Itatanong ko nalang siguro kay Ry mamaya yung sinasabi niya.
Inihatid ako ni Lennox hanggang sa aming classroom. Nung maka-alis ito ay agad akong umupo sa aking pwesto. Napailing ako at napaisip sa mga sinabi niya. Kung ganoon nga, edi kakilala na ako ni Lennox simula pa nung bata kami. Ekk? Pero paano nangyari iyon? Hayysss. Binigyan niya pa talaga ako ng iisipin.
Napatingin ako sa harapan noong magsalita ang aming teacher.
"What is love?" pagkatanong palang no'n ni mam ay naghiwayan na ang mga kaklase ko.
Marami ang nagsi-taasan ng mga kamay. Hindi naman ako nakisali sakanila at seryoso lang akong nakatingin sa harapan.
"Mr, Gomez?" turo niya sa lalaking kaklase ko. Sa pagkaka-alam ko ay chickboy ang isang ito.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...