CHAPTER ELEVEN

241 14 2
                                    

CHAPTER 11- SURPRISE

[THEO's POV]

DALAWANG araw akong hindi nagpakita kay Priya.

Kung itatanong n'yo kung bakit? Well, may inihanda lang naman akong pasabog hehe. Humanda kana Priya haha. Sa gagawin kong ito hindi mo na ulit masasabi na multo lang ako at malabo mong magustuhan.

Huminga ako ng malalim at ngiting-ngiti na humarap sa harap ng salamin. Dati rati kapag humaharap ako sa salamin hindi ko nakikita ang repleksyon ko mula rito. Pero ngayon, Taena gwapong-gwapo ako sarili ko. Tsk tsk tsk. Tignan na lang natin Priya kung hindi kapa ma-i-inlab sa multong sinasabi mo!

Noong handa na ako. Muli pa muna akong tumingin sa salamin at nagpa-pogi. Umiling-iling ako habang naka ngiti. Bago ako tuluyang umalis, kinindatan ko pa muna ang aking sarili sa salamin. Taeng 'yan gwapo mo!!!

[PRIYA's POV]

NAUNA ng umuwi saakin si Luna dahil may pupuntahan pa raw ito. Hindi ko nalang tinanong kung saan. Bastat sa itsura nito kanina ay parang nagma-madali na naman siya.

Hayyysss! Mukhang marami pa nga kaming hindi alam sa isa't-isa.

Minabuti ko nalang na pumunta sa aming restaurant. Bigla kasi akong nag-crave ng bulalo e. Hindi naman sa pagmamalaki pero isa ang bulalo sa aming menu na talagang dinadayuhan ng mga tao. Walang araw na hindi ito nauubos. Minsan nga nagkukulangan pa sina daddy dahil sa dami ng kumakain at nagt-take-out rito.

Kaya naman masaya akong naglakad palabas ng school at tumawag ng taxi para pumunta na doon.

"Goodevening po ma'am" bati saakin nung staff pagkapasok ko sa aming restaurant.

Nginitian ko naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumuloy ako sa kitchen room at nakita doon si daddy. Nakatayo siya at pinagmamasdan ang kaniyang mga employee na nagt-trabaho.

"daddy" tawag ko sakaniya. Lumingon siya saakin at mabilis akong nilapitan.

"what are you doing here anak?" nakangiti niyang tanong.

Lumabi ako sakaniya at natawa naman siya. Ganito ang ginagawa ko kapagka meron akong gustong kainin o isang bagay na gustong makuha hehe.

"okay okay, what do you want?" tanong ni dad.

"ano pa ba, 'edi yung specialty ninyo hehe" masaya kong sagot.

Ngumiti naman siya at tumango-tango.

"by the way, anong sinakyan mo papunta rito?" bigla niyang tanong. Sinabi ko naman na nag taxi lang ako.

"anak bakit kasi hindi mo pa tanggapin yung sinasabi namin sa 'yo ng mommy mo na ikukuha kana namin ng personal driver" medyo nag-aalalang wika niya.

Ngumiti lang ako at lumapit sakanya at yumakap.

"Ihhh daddy huwag na po kayong mag abala saakin ni mom. Malaki na po ako and besides dagdag gastos lang po iyon." malambing kong usal. Naramdaman ko naman na tinapik tapik nito ang likod ko. Masaya ako na lagi nila akong ina-alala. I'm so blessed to have them in my life. And i'm very happy that they are my parents.

"anak kung gastos lang ang iniisip mo hindi na mahalaga saamin 'yon. Ang importante lang saamin ng mommy mo ay ang iyong kaligtasan" paliwanag pa ni daddy. Na touch naman ako.

Noong una pa talaga nila ako gustong magka personal driver. Ang kaso lang ay ayaw ko talaga. Kakalipat lang kasi namin ng bahay at malaki talaga ang nagastos ng mga magulang ko do'n. Kaya naman kung maaari gusto ko talagang magtipid. Ni aircon ko nga hindi ko binubuksan 'yon, noon lang nung pinagtripan ako ni Theo.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon