CHAPTER 14- HINALA[PRIYA's POV]
DAPAKKKKK! ang sakit ng ulo ko huhu. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at pasuray-suray na pumasok sa aking cr. Kahit anong pamimilit ko sa aking sarili kagabi hindi talaga ako makatulog. Tae na 'yan!
Wala akong ganang napatingin sa harap ng aking salamin at nanlalaki ang mga matang napasigaw.
Nakng!
"ba't ang laki naman ng mga eyebags ko?" naiiyak kong usal habang kinakapa-kapa ang mga ito.
Kasalanan 'to ng dalawang lalaking iyon e, Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sakanila!
Pero bigla rin akong natigilan at napangiti noong naisip ko si Lennox. Muli ko nanamang naalala yung pagtatapat niya saakin kagabi. Kaya naman imbis na magdrama ako dito sa cr, ay mabilis akong kumilos upang maligo na at para makapag ayos narin upang makapasok na ng school. I'm so excited to see him hehe.
Bumaba na ako ng aking kwarto at dumiretso sa kusina.
"Goodmorning pret–" hindi natuloy ni mommy ang kaniyang pagbati noong humarap ito sa akin.
"o ba't ganyan ang itsura mo anak?" nagtatakang tanong niya.
Napamaang naman ako.
"ha? Bakit po?" tanong ko at umupo sa aming kitchen stool.
"mukha kang puyat." aniya at inihapag sa harapan ko ang mga niluto nitong omellete and hotdogs saka friedrice.
Agad naman akong kumuha no'n dahil nagmamadali nga ako upang makapasok na ng school.
"ummm busy lang po sa paggawa ng mga research works" pagdadahilan ko.
Tumingin saakin si mommy na may halong pagdududa.
"ikaw Priya ha sinasabi ko sa 'yo bawal ka munang magboyfriend boyfriend" sabi saakin ni mommy. Nabilaukan naman ako sa aking kinakain dahil sa tinuran niya. Kaya naman agad akong dinaluhan ng tubig ni mommy.
Nakng!
"w-wala po ako no'n mommy a-ano ba!" natataranta kong paliwanag.
"osya sige. Bastat tandaan molang ang sinasabi ko ha" sabi pa niya at aktong tatalikod na sana kaso muli itong nagsalita.
"nga pala anak, andyan na sa labas yung driver mo. Sa ayaw at sa gusto mo wala ka ng magagawa pa" sabi ni mommy at napatayo naman ako sa gulat.
"pero mommy gastos lang po iyon" nakasimangot kong usal.
Umiling-iling naman ito at lumapit saakin.
"Priya anak, ang iniisip lang namin ng dad mo ay ang kaligtasan mo. Nag-iisa ka lang namin na anak kaya naman gusto namin lagi kang nasa maayos" paliwanag niya at pinat pa nito ang aking ulo.
Napasinghap ako. Eh 'andito narin naman 'to wala na 'kong magagawa pa. Huminga nalang ako ng malalim at saka nakangiting yumakap kay mommy.
"salamat po mommy. Mahal ko kayo ni daddy" sambit ko na ikinatawa naman niya
"mas mahal ka namin anak" saad niya.
Maya-maya pa biglang dumating si daddy at nakiyakap rin saamin.
"kayo ha magtatampo na 'ko sainyo" kunwaring nagagalit niyang sabi. Napatawa nalang kami ni mommy.
"Nga pala, sa sabado magbabakasyon dito si Ryder yung pinsan mo anak" sabi ni daddy na ikinabigla at ikinatuwa ko.
"totoo dad? Pupunta dito si Ryder? Wahhhh!" saad ko at hindi ko mapigilan ngayon ang aking excitement.
Ryder is my cousin and a childhood friend. Noong bata pa kasi ako ay doon kami tumira sa bahay nila hanggang sa mag 8 ako. Kaya naman noong aalis na kami para lumipat ng bahay bago dito, ay grabe talaga ang ngawa ko sa kakaiyak. Kaya naman ngayon masaya ako dahil magkikita na ulit kami hihi.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...