CHAPTER 7- RED ROSE
[PRIYA's POV]
HINDI pa rin matigil sa pagtawa si Theo. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon palabas ng gate. Medyo dumidilim na kase at kakaunti nalang mga estudyante dito.
"pwede ba tumigil kana sa kakatawa mo!" reklamo ko kay Theo. Hype na 'yan!
"eh naalala ko kasi ang mukha mo kanina e, langya para kang natatae hahahaha" at talagang linakasan pa nito ang pagtawa.
Sa sobrang inis ko sakanya mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko pero tae multo nga pala 'to kaya naman mas naunahan niya pa ako. Tumingin nalang ako sakanya ng masama at nagpatuloy sa paglalakad.
Pero napatigil rin ako no'ng makita ko ang mga Demons Watch na nakatayo sa tapat mismo ng gate.
Otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko noong makita ko si Lennox. Sakto namang napatingin lahat sila saakin kaya naman napayuko ako. Tae na 'yan ba't bigla akong kinabahan.
Narinig ko pa silang nagkakantsawan. Muli akong tumingin sa kanila at nakitang pinagtutulakan nila si Lennox papunta sa gawi ko. Eh? Ano bang ginagawa nila?
Huminga ako ng malalim at nagtupaloy na sa paglalakad. Pero nung saktong nasa gate na mismo ako kung nasaan ang mga Demons, bigla nalang nila initulak sa harapan ko si Lennox.
Dapak!
Gulat na gulat akong napatingin sa kanila. Si Lennox naman hindi alam ang gagawin dahil puro kamot ito sa kanyang ulo at panay lingon sa mga kasama.
"b-bakit?" kinakabahan kong tanong at the same time kinikilig narin. Omgg! Ngayon ko lang nakaharapan ng malapitan si Lennox. Ang gwapo niya pakanengshet!
Dinig ko pang bungisngis na tumatawa ang mga kasama niya.
"uhmmm...a-ano k-kasi...may ibibigay lang ako" nahihiyang sabi niya. Ibibigay? Ano naman 'yon? Shet si Lennox ba 'to? Alam ko hindi siya ganiyan dahil kilala siyang cool at astig dito sa campus.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Omg!
Mas lalo akong nagulat no'ng may binigay sya saakin na isang pulang rosas. Pagkatapos non agad na siyang umalis pati narin ang mga kasama niyang patawa-tawa.
What the heck?
Hindi parin ako makapaniwala. Para saan 'tong rosas na binigay niya? Huhuhu I can't!!!
Nakanganga parin ako sa nangyari at hindi maka get over! Kyaaahhhhhhhh! si Lennox ng Demons Watch at matagal ko ng crushhh ay binigyan ako ng rosass. Kyaaahhhhhhhhhhh!!!
May gusto na ba s'ya saakin? Pero whyyaa? Well, hindi ko naman siya masisisi hehe. Im so pretty kaya haha.
"huuyyy yung langaw papasok na sa bunganga mo!" sita sa akin ni Theo. Naputol naman ang pag-iimagine ko. Hype na 'to!
"pwede ba huwag kang k.j d'yan! Tse!" sinungitan ko siya at nakangiting naglakad pauwi.
"ang saya mo ah?! Para namang may gusto sa 'yo 'yun!" sabi pa niya pero 'di ko nalang siya pinansin. Alam kong masisira lang pagm-moment ko kapag pinatulan ko pa siya. At ayaw kong mangyari iyon haha.
[LENNOX's POV]
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina. Damn! That is my first time na nagbigay ako ng bulaklak sa isang babae.
"'Yun oh! Sa wakas nakaporma na rin ang Pinuno hahahaha" panunukso nila saakin. I look at to them fiercely!
"oh ba't ganyan ka makatingin haha" tumatawang usal ni Zachary. Kasalanan nila ito dahil pinilit lang nila ako.
I ignored and walk away from them. But the little thing they don't know. I smile secretly.
It's been 2 years ago when I started liking Priya. Yes, you heard it that right, I like her so damn much!
Pero hindi ko magawang makaporma sakanya dati dahil sa isang rason. And I hate that! But this time, hinding hindi na ako muling magpapaka tanga para sakanila. Hindi na ako magsunud-sunuran sa mga utos at gusto nila. It's time for me to give myself a happiness, and that is Priya. They cannot stop me from this.
Be ready Priya, this time, no one can stop me from loving you!
[THEO's POV]
'Andito na kami ngayon sa bahay nina Priya at para siyang tanga ngayon na nakahiga sa kaniyang kama. Kanina pa siya ngiting-ngiti na mag-isa habang hawak-hawak ang ibinigay na bulaklak nung lalaki na 'yun kanina.
"huuuyyyy para kang tanga d'yan! Ampangit mo!" sigaw ko rito. Pero langya hindi man ako nito tinapunan ng tingin.
Kanina ko pa siya kinakausap at binu-bwisit pero ang lakas talaga ng tama niya doon sa lalaki. Tsss! 'di naman hamak na mas gwapo ako do'n!
"hoyyyyy huwag kang mangarap ng gising, pinagt-tripan ka lang no'n" sabi ko at ewan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis.
Hindi ko naman gusto si Priya, pero may karapatan akong mainis dahil kailangan ko siyang mapa-ibig saakin para magawa ko ang mission. At hindi ko magagawa iyon kung merong sagabal sa plano ko.
Kailangan kong gumawa ng paraan. Kaya naman lumapit ako sakanya at inagaw ang bulaklak na hawak nito. Nagulat naman siya at galit na tumayo.
"ano bang problema mo?!!" sigaw niya saakin.
Nginitian ko lang siya ng nakakainis.
"ibalik mo 'yan multo ka! Kung ayaw mong masapak!" naiinis niyang sabi at mabilis na lumapit saakin.
Itinaas ko ang aking kamay upang hindi niya ito maabot. Ngiting-ngiti ako ng nakakaloko habang siya naman inis na inis.
"ano ba!" sigaw niya at pilit na inaabot ang bulok na bulaklak na 'to.
"kunin mo kung maaabot mo haha" pag-iinis ko pa. Sarap talaga niyang pagtripan haha.
"masasapak na talaga kita kapag hindi mopa binigay saakin 'yan!" gigil niyang sabi.
"edi sapakin haha, pero gaganti ako ng halik ah" sabi ko at nagulat naman siya sa sinabi ko. 'yan dapat ganyan. Dapat saakin lang ang atensyon mo.
"sira kaba?!" sabi niya at hinampas ako sa dibdib
Napamaang naman ako.
Pero hindi ako nagpatalo at muli kong itinaas ang kamay ko.
"akin na sabi 'yan e! Baka masira mo pa ano kab--" napasigaw kaming pareho ng biglaang matapilok siya at deretso ang bagsak niya saakin. Sakto ang bagsak namin sa kama.
Gulat kaming pareho sa nangyari.
Magkapatong kami ngayon
Nagkatitigan kami ng matagal.
Langya!
Sa unang pagkakataon na pagiging multo ko, naramdaman kong biglang tumibok ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...