CHAPTER 29- POEM
[PRIYA's POV]
Ilang oras nalang at magsisimula na ang Mutya ng Gabi. Halos hindi mankadaugaga sina mommy dahil sa pagpe-preparasyon. Tapos nadin akong mamakeupan at halos hindi ko makilala ang aking sarili dahil sa kapal nito. Prenteng nakalugay naman ang aking mahabang buhok at kinulot-kulot pa iyon sa ilalim.
"Oh my goddd! Ang ganda ganda mo anak. I'm so proud of you!" Ngumiti ako kay mommy at tumingin sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung makakaya ko ba 'to mamaya.
"Oh ba't malungkot ka? Kinakabahan kaba?"
Pumunta si mommy sa aking likuran at pinagmasdan ako nito sa harap ng salamin. Hindi ako nagsalita. Masyado lang siguro akong kinakabahan ngayon. O may ibang bagay lang akong iniisip?
Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nangyari kagabi. Lalo na ang mga sinabi niya sa akin.
"Anak ayos lang na kabahan ka. Pero huwag mong kalilimutan na nandito lang kami na susuportahan ka mamaya." Tinignan ko si mommy. Sayang naman ang effort nila kung magiging ganito lang ako. Kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa balikat ko at ngumiti rito.
"Opo mommy. Gagalingan ko po mamaya." Sabi ko at nakitang ngumiti rin ito pabalik.
"That's my girl hihi."
Mayamaya pa ay biglang nag ring ang cellphone ko. Nakita kong si Luna iyon kaya naman mabilis ko itong sinagot.
"Hello, Luna?"
"Bes! Ano ready kanaba? Hihi ako yung kinakabahan para sayo." Kinikilig niyang usal. Napailing naman ako. Kanina pa siya tawag ng tawag at laging sinasabi na para daw siya yung lalaban mamaya. Mas kinakabahan pa raw ito kaysa sakin.
"Oo ready na ako gaga ka. Ikaw may pakana nito." Sagot ko at natawa naman siya. Siya naman talaga kasi ang may gusto nito.
"Okay sige. Ready na kaming lahat ng mga classmates natin para suportahan kayo ni Dimitri. Hihi goodluck!"
"Oo sige. Salamat."
Matapos niyon ay lumabas na kami nina mommy upang magtungo na ng school. Tanging suot ko palang ngayon ay isang fitted na pantalon at fitted t-shirt na kulay pink na hanggang pusod ko lang. First time ko rin magsuot ng may takong ngayon. Halos matumba nga ako sa aking linalakaran dahil sa taas ng mga ito. Buti nalang kalaunan ay nasanay rin ako.
Sa entrada pa lang ng gate ay maririnig mo na ang sigawan ng mga estudyante. Agaw pansin rin ang mga sumasayaw na ilaw na umaabot hanggang sa kalangitan. Talagang pinaghandaan talaga ang gabi na ito.
"Lets go anak?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumango kay mommy. Kasa-kasama rin namin sa aming likuran ang mga taong nag-aayos sa akin. Kasama rin namin ngayon si Ryry na halos humaba na ang nguso dahil sa tulis nito. Paano ba naman kasi ay siya yung pinagbitbit ni mom na mangdala sa gown ko.
"Finally you're here!" Matinis at masayang bati samin ni Tita Daryl. Nagbeso sila ni mommy at pagkatapos namamanghang lumingon sa akin.
"Oh emm gee! Ang ganda mo inaanak! Talagang namana mo sakin iyang ka shutyhan mo!" Napatakip pa siya ng kanyang kamay at hindi makapaniwalang pinasadahan ako ng tingin. Bigla naman akong nahiya dahil do'n.
"Salamat ninang."
"Om emm gee ulet. Sino 'tong gwapong kasama niyo mareh?" Baling niya kay mommy at muling tinignan si Ryry.
Halos matawa naman ako dahil ang sama-sama ng tingin niya kay Tita Daryl. Napansin niya yatang nakatingin sakanya si mommy kaya naman umayos ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...