CHAPTER 26- ULAN[THEO's POV]
HINDI ko na nahabol pa si Priya dahil tuluyan na 'kong nanghina. Pakiramdam ko ngayon ay binibiyak ang aking ulo. Ang sakit. Pero mas wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Tuluyan ng nangyari ang kinakatakutan ko mula kanina. Galit na sa akin si Priya.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya kanina na babalik muna ako ng Ghostland, bigla akong nakaramdam ng kakaibang panghihina sa aking buong katawan. Muli akong nakakita ng mga tao sa aking paligid. Pero sa pagkakataon na 'yon ay hindi na malabo ang mga nakikita kong mukha. Malinaw, malinaw kong lahat nakita, ang nakaraan at ang buong pagkatao ko. Hindi ako makapaniwala. Na lahat ng taong kakilala ko at malapit sa akin ay matagal ko na palang nakakasalamuha. At ang mas nakakagulat pa ro'n ay malapit din sila kay Priya.
Gustong-gusto ko siyang habulin para magpaliwanag. Pero hindi ko na talaga kaya ang sakit ng aking ulo, lalo na't unti-unti ko na namang nararamdaman ang mga alaala ng nakaraan. Para itong mabilis na pumapasok sa aking buong sistema at deretsong ipapakita ng aking mga mata. Lalo akong nanghina noong parang kidlat na pumasok lahat sa akin ang mga alala ng kahapon.
"Theo!" rinig kong sigaw ni Mamalu. Naramdaman kong nilapitan ako nito at alalang hinawakan.
"Arrggggggg." hindi ko mapigilan ang sakit. Tuluyan na 'kong bumagsak sa sahig at mariing napahawak sa aking ulo.
"Theo! Halika ka't bumalik muna tayo ng Ghostland." hindi rin malaman ni Mamalu ang kanyang gagawin.
"M-mamalu. S-si Priya p-po." nahihirapan kong usal.
"Hayaan mo muna siya Theo. Ako na ang bahalang kumausap sakanya." wika nito. Saglit naman akong napatingin sakanya.
"P-paano po?" tanong ko.
Huminga naman siya ng malalim at seryosong tumingin saakin.
"Patawarin ako ni bathala kung susuwayin ko ngayon ang isa sa mga utos nito." aniya.
"M-mamalu," naiiyak kong usal sakanya.
Malungkot itong tumingin saakin.
"Masyadong maraming nag-iba sa katawan at pagkatao mo, kaya naman, tutulong ako." sinsero niyang sabi.
Magsasalita pa sana ako nung may mga pumasok na nurses at kasunod nila si Luna. Gulat itong napatingin sa mga nabasag na base. Napatakip pa ito sakanyang bibig.
Mas lalo akong nanghina nung pinagmasdan ko siya. Isa si Luna kaya nagalit sa akin si Priya dahil akala nito na linoko ko silang dalawa. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Ang gulo ng sitwasyon namin ngayon.
Ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang babaeng kasintahan ko pala sa tunay na buhay. Muli kong naalala ang gabi bago ako maaksidente. Nakita ko silang dalawa ng pinakamamahal kong kapatid na naghalikan. Sa gabi ring iyon ay balak ko sana siyang tawagan upang ayusin na nang tuluyan ang aming relasyon. Handa na 'kong bigyan siya ng puwang dito sa aking puso. Handa ko na siyang mahalin at ibalik lahat ng mga pagmamahal na pinakita nito sakin.
Pero nasaktan ako sa aking nasaksihan. Sa isip ko'y, binigay ko naman ang lahat sa aking kapatid pero bakit pagdating sa pag-ibig ay lagi ko itong kahati. Alam kong may gusto na ito kay Priya noong mga bata palang kami. Kahit na hindi kopa sinusubukan, nagparaya na agad ako para sakanya, kasi kapatid ko siya. Una kong nakilala si Priya, kaya una rin akong nagkagusto sakanya. Pero dahil ayaw kong makitang nasasaktan siya, nagpaubaya ako.
Kahit na masakit, patuloy ko paring minahal no'n si Priya. Alam ko kung saan sila lumipat ng bahay, alam ko kung ano na ang hitsura nito sa bawat taon na lumilipas. Palihim ko siyang pinagmamasdan sa malayo. Palihim ko siyang sinusubaybayan.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...