Hindi nga ako nagkamali. Maraming kapitbahay ang nakatingin nang lumabas ako ng sasakyan ni Luciano. Nagbubulungan din sila na nagpapang-abot sa pandinig ko pero pinili kong hindi na pansinin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay pero nanatili pa ring nasa labas ang sasakyan ni Luciano. Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang pag-alis nito.
Naabutan kong nag-aaral ang kapatid kong si Annie sa sala. Siya ang sumunod sa akin. Graduating siya ng grade 12 ngayong taon. Sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya kaya kailangan kong kumayod pa para maitawid ang pag-aaral niya. Kahit pa pinaplano niyang magtake ng entrance exam sa State University ay magastos pa rin ang pagkokolehiyo.
"Ate!" she greeted. Tipid akong ngumiti sakanya at naupo malapit sa kinauupuan niya. Tiningnan ko ang ginagawa niya.
"Research?" tanong ko. Nagkalat kasi ang research paper ko noong grade 12 na ginagawa niyang guide para sa ginagawa niyang research.
Sa cellphone lang siya nag-e-encode ng ginagawa niya. I promised her that I'll buy her a laptop before entering the University. Pinag-iipunan ko pa ang bagay na 'yon.
Tumango siya.
"Nag-agahan naba kayo? Nasaan pala 'yung dalawa?" tanong ko habang ginagala ang mga mata sa buong bahay para hanapin ang dalawa ko pang nakababatang kapatid.
"Kumain na kami, Ate. Nasa labas 'yung dalawa, nagkikipaglaro sa kapitbahay." marahan akong tumango.
"Magpapahinga na muna ako." sabi ko at tumayo na para magtungo sa loob ng kwarto ko.
"Ate..." pagtawag ni Annie. Tumigil ako sa tangkang pagpasok at hinarap siya. "Ikaw ba ang sakay nung itim na sasakyan sa labas kanina?" tanong niya. Tumango ako. Alam ng kapatid ko ang trabaho ko at hindi na bago sakanya na may sasakyang naghahatid sa akin dito. "Kasi ilang beses ko na nakita ang sasakyang iyon dito sa lugar natin. Sa kapitbahay ba 'yon?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ilang beses na nagpunta si Luciano sa lugar namin?
"Baka parehong sasakyan lang." sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Buong bahay na namin ang kwarto ni Luciano. Iginala ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto ko at sobrang layo nito sa malaki at komportableng kwarto ni Luciano.
Kung pinapasok ko pala siya dito kanina at dito namin ginawa ay baka hindi niya lang magustuhan dahil sa liit ng kwarto. Maliit din ang higaan ko, sakto lang sakin. Bigla kong naisip si Luciano at kung gaano siya kalaking tao. Hindi siya kasya sa kama ko!
May maliit akong banyo sa kwarto ko kaya naligo muna ako dahil nanlalagkit ako sa ginawa namin kanina sa kotse ni Luciano.
My face heated when I remembered it. He just stayed inside me without moving. Hindi ko alam kung paano niya kinaya iyon. Umiling ako. I shouldn't be thinking about him. Pilit kong tinanggal sa sistema ko si Luciano.
After drying my hair with the towel, natulog na ako.
Nagising ako bandang alas singko ng hapon. Tamang-tama lang para maghanda bago pumunta sa bar. Nalipasan na ako ng gutom kaya kumain muna ako bago naligo ulit at nag-ayos.
Nakaalis na ako ng bahay pero hindi ko man lang nakita ang dalawa kong kapatid. Sabi ni Annie ay umuwi daw kaninang tanghalian pero lumabas ulit para makipaglaro. Pinagpaalam din daw ni Ate Karol na doon na muna sakanila ang dalawa para may kalaro ang anak nitong si Kesia.
"Ihatid na kita, Auria!" rinig kong sabi ng isang tricycle driver na nadaanan ko. Hindi ko pinansin at nagdire-diretso lang sa paglalakad.
Doon na ako sa unahan sasakay para makatipid. Medyo may kamahalan kasi kung dito ako sasakay.

BINABASA MO ANG
I've Chosen You
General FictionAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...