CHAPTER 28

7K 118 30
                                        

Hindi ako nahirapang hanapin pa ang totoo kong ama. He's just near us since then. Hindi ko alam na nagtatrabaho na pala ako sa Bar ng ama ko. Tony immediately called him. Nasa ibang bansa ito at nagpapagamot.

Nalaman kong may kapatid akong lalaki sa ama. He's older than me. Nakausap ko ito at nasabi niya sakin ang naging relasiyon ni Nanay sa totoo kong ama. His parents got separated. Doon pumasok si Nanay sa buhay ni Arturo De Lara. My mother was then a prostitute. Mr. De Lara was broken from the unsuccessful marriage. And they happened. Nagkabalikan ang mga magulang ni Zeus, my brother, at doon na lumayo si Nanay. That's after learning that Mr. De Lara got her pregnant.

We talked in video call. Kagaya ng Ama ay nasa ibang bansa rin ito para bantayan ang mahospital na Ama pero siya ang pansamantalang namamahala ng Bar na pag-aari ni Mr. De Lara. Hindi niya kiniwesiyon nang magpakilala akong anak ni Mr. De Lara. Nasabi daw ng Ama ng baka nabuntis nito si Nanay. He's unaware that his daughter is already working under him. Gusto sana akong paliparin papuntang America para makilala ng personal si Mr. De Lara pero tumanggi ako dahil hindi ko kayang iwan ang mga kapatid ko lalo pa't kamamatay lang ni Nanay.

My real father is severely ill. Kagaya ni Tatay ay may cancer din ito. Malubha na at may taning na ang buhay. Gusto ko siyang makita pero hindi ko kayang iwan ang mga kapatid ko. Sa video call ko lang ito nakikita. He's bald, pale and almost lifeless. I cried when he smiled at me. Nanghihinang mga ngiti pero alam kong sinsero.

Hindi ako nabigyan nang pagkakataong makasama ang totoo kong ama. A week after I introduced myself, he died. I was so broken at that time. Hindi pa lubos na nakakabangon sa nangyare kay Nanay ay nawala naman ang totoo kong ama. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong makausap siya, makabonding siya, makilala pa siya. Ang bilis niyang binawi sakin.

Iuuwi siya sa Pilipinas. Naasikaso na ni Zeus ang mga papeles. Sa bahay nila na ako nag-abang. Binababa palang sa sasakyan ang kabaong niya ay humagulhol na ako ng iyak. Nakaalalay sakin si Annie.

Ang malaking portrait niya ay nagsusumigaw ng pagkakahawig naming dalawa. Akala ko si Nanay ang kamuha ko, morena lang ako. Pero habang nakatingin sa malaking litrato ni Mr. De Lara, alam ko na kung kanino ako nagmana. His complexion, his eyes, his brows, his lips, it all resembles mine. Tanging ilong lang ang nakuha ko kay Nanay.

"Auria." agad akong yumakap sa kapatid ko. Yumakap siya sakin pabalik. He keeps whispering things to hush me. Humagulhol ako sa dibdib ni Zeus. Mas masakit na hindi ko man lang sila nakasama. Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa mga bisig niya at umiiyak.

"I'm sorry I wasn't with you during his medication. I didn't know." paghingi ko ng tawad. Nakakaintinding tumango ito.

"It's alright. He was in his happiest on his last week." namumula ang mga mata niya. Kagaya ko ay umiiyak din ito. Habang tumatagal ang titig ko sakanya ay doon ko napapansin ang pagkakahawig naming dalawa. Sa unang tingin ay parang wala kaming pagkakapareho sa pisikal pero kung titigan mo siya ay pareho ang hulma ng mukha naming dalawa.

"I heard about your mother's death. I'm sorry for your lost." tipid akong ngumiti.

"You can now share your burden with me, Auria. I am now here. Let's make up with all the lost time." muli akong yumakap sakanya. Sa katauhan niya, parang nakakuha ako ng kakampi. Ganito pala ang pakiramdam ng may Kuya. Lumaki akong panganay at halos maging ina na ng mga kapatid ko lalo na nang mahospital na si Nanay. Hindi ko naranasang may masandalang nakakatandang kapatid. His presence means a lot to me.

Dumating ang Mama ni Zeus. She's with her family. Nasabi ni Zeus na muling nagkahiwalay ang mga magulang niya dalawang taon pagkatapos magkabalikan. Umiiyak ito sa bisig ng asawa. Kita kong nalulungot ito sa nangyare sa dating asawa. May anak rin silang mas bata lang ng ilang taon kay Annie.

I've Chosen YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon