Ang plano kong pagkatapos ng isang taon na bibigyan ko ng pagkakataon ang sa aming dalawa ni Luciano ay nabago. I was just waiting for a confirmation. Just like Annie, may parte sa puso ko na hindi naniniwala sa mga nabalitaan ko tungkol kay Loren at Luciano. But after reading his text message, ang kaunting pag-asa ay tuluyan ng nawala.
Sabay kaming umiyak ng anak ko. Pilit ko siyang pinapatahan pero mas lumakas lamang ang iyak niya.
"Narinig kong umiiyak si baby.." natigil si Zeus nang makita ako. Lumapit siya sa akin at kinuha ang anak ko. Nagtataka ang mga mata nitong tumingin sa akin.
Pinunasan ko ang mukha ko. Pinagmasdan ko lang ang kapatid kong tahanin ang anak ko. Hindi rin nagtagal ay tumahan na ito. Muli pala siyang nakatulog. Nilapag siya ni Zeus sa higaan niya bago ako nito muling hinarap.
"Why were you crying?" he asked using his serious tone.
"Nahirapan lang akong patahanin si Celestine." kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"May gusto ka bang sabihin sakin, Auria?" pinigilan ko ang sariling magsumbong.
"Wala naman." pagsisinungaling ko.
Marahan siyang tumango. "Don't cry when your daughter is crying. Nararamdaman niya 'yon kaya mahihirapan kang patahanin siya." tumango ako.
Nagpaalam si Zeus pagkatapos. Nang muli akong maiwang mag-isa sa kwarto ay tahimik akong umiyak. I let all my emotion out. Isahang iyak nalang dahil ayokong ilang araw akong maging apektado. I have a daughter to look after to, a new life to live, and a business to manage.
Ginugol ko ang oras ko sa anak ko. I made sure she's alright and getting the right nutrition from me. Pinigilan ko ang sarili kong mag-isip. Hindi dapat ako maapektuhan. Tinatak ko sa isip ko na dapat mga importanteng bagay lamang ang laman ng iisip ko.
"Let's go. Hindi tayo pwedeng mahuli." aya ni Zeus. Tumango ako at pumasok na sa sasakyan niya. Sa likod ako pumuwesto kasama ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Si Annie ang nasa front seat.
Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang Simbahan. Ngayong araw bibinyagan ang anak ko. She's four months old already at nagdesisyon na akong pabinyagan na siya.
Pinagbuksan kami ng pinto ni Zeus. Buhat-buhat ko si Celestine papasok ng Simbahan. We're fifteen minutes early on our schedule. Sinigurado talaga naming maaga kami dahil medyo mahigpit ang Pari sa oras.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang binyag.
Malaki ang ngiti ko nang kuhanan na kami ng litrato. Sunod na litrato ay kasama ang pamilya ko, at ang mga Ninong at Ninang. Parehong Ninong si Tony at ang boyfriend niya.
"Malayo palang kitang-kita ko na kung kanino nagmana." komento ni Tony nang buhatin ang anak ko.
"Lakas ng tama sayo. Kung sino raw kamukha, 'yon raw ang mas nagmamahal." sabi niya pa. 'Yan rin ang sinabi ni Annie nung unang kita niya sa pamangkin.
"Masyado atang mapagmahal dahil bumalik sa ex." pasaring ko. Tumawa si Tony at bahagyang sinayaw si Celestine.
"How does it feel to have a daily reminder?" inirapan ko muna siya bago ako sumagot.
"Wala." tumingin siya sa akin na para bang hindi niya tinatanggap ang sagot ko.
"Maniwala, Auria!"
"We shouldn't feel something for irrelevant people." sabi ko sa seryosong tono. Naiiling na humalakhak lang si Tony.
Sa isang restaurant namin inuwi si Celestine. Malapit ang restaurant sa Valentino. Paglabas palang ng sasakyan ni Zeus ay natanaw ko na agad si Henrico. May kausap ito sa cellphone pero nagawa pa ring bumaling sa direksyon namin. Kita ko ang ginawa niyang pagtango kay Zeus. Lumipat ang tingin niya sa akin at sa anak ko.
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Ficción GeneralAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...
