CHAPTER 32

5.7K 82 7
                                        

True to his words, he let go of my hand after the mass. I suddenly felt empty. The warmth of his hand gave my longing heart the will to continue. To continue my decisions. After a year, I promise to comeback to him. Sapat na siguro ang isang taon para sa aming dalawa. We were wrong but there's always a room for improvement and forgiveness. I want the distance to make us both realize where we both went wrong; that love doesn't solve all the problem, that space and distance from each other will make us be the best version of ourselves.

I watched him walked away from me. Hindi na kami nakipagsiksikan sa mga taong palabas. Nang makalabas kami ay nakita ko si Luciano sa may sasakyan niya. He looks like he's waiting for someone. Nang makita kami ay umayos ito ng tayo at umikot na para makapasok sa sasakyan.

I watched his car go.

Nagtungo kami sa Mall pagkatapos ng misa. Mamimili kami ni Annie ng grocery dahil paubos na ang supplies sa bahay. Tumawag na rin si Zeus na susunod siya sa amin dahil patapos na siya sa ginagawa niya. He also mentioned that he will bring my sisters with him. Hindi na ako kumontra dahil Linggo naman. Para na rin makapamasyal sila.

Patapos na kami sa pamimili nang dumating si Zeus. Marami siyang dinagdag na pagkain na ipamimigay niya raw sa mga trabahante namin sa sakahan.

Si Annie naman ay sinamahan ang dalawang kapatid na maglaro. Tatawag nalang daw ito kapag tapos na sila na sinang-ayunan ko naman agad lalo pa't bihira lang naman silang makapamasyal kasama ang ate Annie nila. Annie is busy. Madaming ginagawang school stuff. Pinayuhan ko ngang kung maraming gagawin ay huwag na munang umuwi at doon nalang sa Daraga manatili. Kaya niya raw gawin ang mga activities sa bahay at gusto niya raw bantayan ang pagbubuntis ko kaya hindi kayang hindi umuwi.

"Mag-c-cr lang ako." paalam ko kay Zeus pagkatapos naming magbayad my mga pinamili.

"Ilalagay ko lang din 'to sa sasakyan." tumango ako at nagtungo na sa comfort room.

Mabilis lang akong umihi at inayos bahagya ang buhok bago lumabas ng banyo. Natigil lang ako nang makita kung sino ang lumabas mula sa kaharap na comfort room. Nang mag-angat siya ng tingin ay natigil din ito nang makita ako.

"I just bought some supplies needed in the kitchen." sabi niya sa tonong parang kasalanan niyang nasa iisang lugar kami ngayon.

Tipid akong tumango.

"Do you usually go here on Sunday? Don't worry, it just happened that I needed to buy the supplies today. Kung nandito ka tuwing linggo, iiwasan kong pumunta para hindi tayo magkasabay."

"It's okay, Luciano. Things like this are inevitable. You don't have to adjust for me. You can come any day you want." sabi ko. He opened his mouth to say something but close it eventually. Naghintay ako ng sasabihin niya pero walang lumabas.

"Mauna na ako." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Auria..." tawag niya. Tumigil ako at hinarap ulit siya. "Are you with Zeus?" he asked. Tumango ako. Nakita ko ang pagdaan ng isang emosyon sa mga mata niya. Tumango siya at tipid na ngumiti bago yumuko. Nang wala na siyang sinabi ay muli akong tumalikod.

I will see you again, Senyorito.


"I heard that Luciano's in US." bumaling ako kay Zeus. Something tugged my heart. Umalis pala siya. Hindi ko man lang alam. You expect him to tell you when you were the one who asked him to leave you. The back of my mind said.  "I just heard from the farmers." kagagaling niya lang kasi sa sakahan at umuwi dito para mananghalian.

"Hanggang kailan kayo ganito?" nagtagal sa akin ang mga mata niya.

"I plan to reconnect with him after a year." pagsabi ko ng totoo.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon