Basang-basa ako pero pinagpapawisan ako. Malamig na pawis na dulot ng ina ni Luciano. Nangangatog ang mga tuhod ko, nanlalabo ang paningin ko at sobrang liit ng pakiramdam ko. Hirap na hirap ako sa paghakbang pataas. Siguro kung hindi pa ako nakahawak sa railings ng hagdanan ay kanina pa ako natumba.
"What did you do, Mama?" dumagundong ang malakas na boses ni Luciano sa buong bahay. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kwarto. Natigil ako. Nakapasok na pala sila sa loob ng bahay.
"Don't raise your voice on me, Luciano!" pagalit ng ina niya. Sumilip ako sa baba at nakatingala sa akin si Loren. A victorious smile is plastered on her lips.
"Don't touch her again." may pagbabantang sabi niya sa ina. Lucy Monteveros unbelievably gasped.
"Halos lunurin niya na ang girlfriend mo!" sabi ng Ginang.
"Loren is not my girlfriend, Mama. We're over. Bisita mo siya at kung siya ang ipinunta mo dito, umalis na kayo." kahit ako ay umawang ang mga labi dahil sa pananaboy niya sa ina. He can do this for me?
"Itinataboy mo ako?" hindi makapaniwalang sabi ni Mrs. Monteveros.
"You won't do good to Auria. Just leave the house." siguradong sabi ni Luciano.
"Can you hear yourself? Ina mo 'ko!" Mrs. Monteveros pointed herself to make a point.
"She's my girlfriend. If you want to stay, don't do something that will harm her." sabi niya at tinalikuran na ang ina. Agad akong pumasok sa kwarto at dali-daling pumasok sa banyo at naglock. I couldn't believe he said those words to his Mother.
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. Namumula ang pisngi ko, pumutok din ang labi ko dahil sa lakas ng sampal sakin ni Mrs. Monteveros. Bumaba ang tingin ko sa braso kong may maliit na sugat. Bakat doon ang kuko ng Ginang.
I heard the room's door opened. Kumabog ng sobra ang dibdib ko. I know it's Luciano.
"Auria." I heard him called. Hindi ako sumagot. Tumulo ang mga luha ko. Bumalik sakin ang mga sinabi ng Mama niya. I don't want to be affected but I know I can't just set it aside. It dug deep in my heart. I heard him called my name again. Papalapit na rin ang mga yapak niya. Alam kong banyo ang sunod niyang pupuntahan.
"Auria.." he called and softly knocked on the door. I had to suppress my sobs. Ginawa kong pantapal ang mga palad ko sa bibig ko para hindi kumawala ang mga hikbi ko.
"I know you're in there. Papasok ako." I heard him said. Hindi ako sumagot.
Narinig ko ang pagpasok niya ng susi at ang pagbukas ng pinto. Agad niya akong nakita. He cursed softly and walked towards me. Lumambot ang ekspresiyon niya nang makita ang mga luha ko. Natigil din siya sa paglapit sakin. Humagulhol ako at nagbaba ng tingin.
"I'm sorry." it was just two words but it breaks my heart. Bakit siya ang nag-so-sorry? He didn't do anything to me. Wala siyang sinabing masakit. He just genuinely want Loren well. Hindi niya alam na nagpapanggap lang ito. Nang magsimula ulit siyang maglakad palapit sakin ay sinalubong ko na siya. Humagulhol ako sa dibdib niya.
"Hussssh. I'm here. It won't happen again. I'm sorry." pinapakalma niya ako sa pamamagitan ng marahang paghaplos sa likuran ko. Paulit-ulit niya ring hinahalikan ang ulo ko.
"They won't hurt you again." he assured me.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Hindi siya nagreklamo at tinahan lang ako. Nang tuluyang matigil ay lumayo ako sakanya at naghilamos sa sink. He's just watching me, naninimbang at nag-aalala.
"What happened?" he asked softly. Pumuwesto siya sa likuran ko at niyakap ako mula doon. We're both looking at each other in the mirror. I felt him tying my robe. Kanina pa iyon nakabukas at hindi ko namalayang hindi ko pala naitali. He rested his jaw on my shoulder while waiting for my answer.
![](https://img.wattpad.com/cover/279520555-288-k681322.jpg)
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
General FictionAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...