EPILOGUE

9.3K 119 25
                                        

Good morning! Thank you so much for patiently waiting.

-

Ang sarap magising at ang una kong makikita ay ang mag-ama ko. Madilim pa ang paligid. Tanging ang lampshade lang ang bukas. Buhat ni Luciano sa braso niya si Luhan. Napangiti ako nang sayaw-sayawin niya ito. I can also hear him humming.

Nagkatinginan kami ni Luciano nang bumaling ito sa kinaroroonan ko.

"Did I wake you up?" mahinang tanong niya. Umiling ako pagkatapos ay tumayo na. Kinuha ko ang roba sa couch na hinubad ko kanina at sinuot. Tanging manipis na pantulog lang ang suot ko at nakakaramdam na ako ng lamig.

Lumapit ako sa mag-ama ko.
Gising pa si Luhan. Nakangiti pa ito habang nakatingala sa ama.

"Your daughter is fascinated with you." nakangiting sabi ko. Niyuko niya ito at marahang ginalaw-galaw sa braso kaya napahagikhik ito.

"Is she always awake at this hour?" baling sa akin ni Luciano. Kitang-kita ang panlalambot ng mga mata niya habang tinitingnan ako.

"Iba-ibang oras siya nagigising. There are times na bandang ala una tapos makakatulog kami mga alas kwatro na ng umaga. Minsan maaga, minsan late na." he's looking at me like everything that I am saying needs to be heard by him.

"Was it difficult?" ngumiti ako para panatagin siya. He looks guilty and regretful.

"Nung una, oo. Nangangapa ako e. Pero nang tumagal ay nasanay na 'ko. Nakakapagod at nakakapuyat pero sobrang worth it." sulyap ko sa anak naming nakatitig pa rin sa ama niya.

"I'm sorry. I should be there with you. Dapat nasa tabi mo ako para kahit papaano ay nakakatulog ka, may kapalitan ka sa pag-aalaga sa anak natin. I'm sorry." regret and sadness is palpable in his voice.

"Pwede nating gawin 'yon ngayon. It's not yet late, Luan." I assured him. Gamit ang kanang braso ay hinapit niya ang bewang ko. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko.

"Babawi ako.." Assurance was in his voice. Marahan akong tumango at ngumiti.

"Babawi rin ako sayo." sabi ko at tiningnan siya. "Sa lahat ng aspeto." Lumawak ang ngiti ko nang makita ang biglang pagdilim ng mga mata niya. Humigpit rin ang hapit niya sa bewang ko.

"Papatulugin ko na ba ang anak natin?" bulong niya. Natawa ako at sumandal na sakanya.

"I'm still sore." he heave a sigh and tightened his hold on my waist. Bahagya ring humahaplos ang hintuturo niya sa tiyan ko.

"Magdadalawang taon ba naman akong sabik sayo. Ayoko pa sanang sundan si Luhan pero baka hindi ako makapagpigil sayo. Nakakagigil ka, Auria." he whispered and I felt him bit my earlobe.

Natatawang humiwalay ako sakanya.

"Inaantok na ako. Ikaw na muna ang bahala sa anak natin." he groaned making me chuckled. Halos mapatili ako nang ipulupot niya ang braso niya sa tiyan ko. Bahagya pa akong umangat dahil sa pagpupumiglas ko. Natawa kami pareho nang humagikhik si Luhan.

"She wants a brother." si Luciano.

"Pasensiya na, anak, ayaw pa ni Mommy mag-anak ulit." pagpatol ko. Luciano groaned pagkatapos ay hinalikan nang mariin ang pisngi ko.

"You know I'm not a fan of pulling out." bulong niya. Sobrang hina no'n na parang ayaw talagang iparinig sa iba.

"It's okay, I'm on a pill." humalakhak ako sa ekspresiyon niya.

"Come on, let our daughter sleep and join me to bed. Let's sleep, Luan." lambing ko nang humupa na ang tawa ko.

"I'll join you in a while." hinubad ko muna ang robang suot ko at nauna na sa kama. Dahil nilalamig ay inangat ko ang comforter hanggang balikat. Nakita ko si Luciano na may kinuha. It's the remote of the aircon. Hininaan niya ang lamig.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon