CHAPTER 14

4.5K 58 1
                                        

Nakatitig lang ako sakanya, ganun din siya sa akin. Nang matauhan ay umiwas ako ng tingin. My heart did not fail to skip a beat. Masyado na akong naapektuhan ni Luciano. Hindi na dapat pang magpatuloy 'to!

"Maggagabi na." sabi ko para kumilos na siya. From my peripheral vision, umayos siya ng tayo at binuksan ang likod ng sasakyan at doon nilagay ang mga mangga. Pilit ko namang kinakalma ang sarili.

I felt him glanced at me when he entered the car. Hindi siya nagsalita at nagsimula nang magmaneho. The awkward silence stretched. Laking pasasalamat ko nang makarating agad kami sa bahay na tinutuluyan ng mga kapatid ko. Hindi ko na siya hinintay at bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay.

Nadatnan kong nag-aaral si Ashley at Annika. May naririnig akong ingay sa kusina na mukhang si Annie at Nancy.

"Ate!" ang matinis na boses ni Annika ang pumailanlang sa buong sala. Ngumiti ako at lumebel sakanya para mayakap siya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Maayos na po ako, Ate Auria." ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Sunod na yumakap si Ashley.

"Kamusta ang pag-aaral, Ash?"

"Okay naman po, Ate." kontento akong tumango.

"Si Annie?"

"Nasa kusina po. Tumutulong kay Ate Nancy na magluto." tumango ako.

Sabay-sabay kaming bumaling sa pintuan nang pumasok si Luciano bitbit ang mga mangga.

"Mangga!" magkasabay na hiyaw ng dalawa kong kapatid. Napangiti ako sa reaksiyon nila. Nawala iyon nang mapabaling ako kay Luciano na may naninimbang na mga tingin.

"Mamaya na kayo kumain niyan. Pagkatapos kumain nang hapunan." suway ko dahil nagpapaunahan na ang dalawa sa pagkuha ng mangga. Nalingunan ko si Luciano na seryoso at mukhang may malalim na iniisip.

"Puntahan ko lang sa kusina si Annie." paalam ko sakanya. Marahan siyang tumango. Nagtungo ako sa kusina at nakitang abala sa paghihiwa ng petchay at sitaw si Annie at Nancy. May nakasalang nang kaldero sa kalan.

"Ate?" gulat na tawag ni Annie nang makita ako.

"Dumaan lang kami para magdala ng mangga." sabi ko.

"Dito na rin kayo kumain, Ate." paanyaya ng kapatid ko.

"Sabihan ko si Luciano." tumango ang kapatid ko. Muli kong nilabas si Luciano sa sala. Wala na siya sa kinauupuan niya kaya tinanong ko si Ashley kung saan pumunta si Luciano.

"Lumabas po." sabi ng kapatid kong abala sa pagtuturo kay Annika sa pagkukulay.

Lumabas ako ng bahay at naabutan siyang naninigarilyo habang nakasandal sa sasakyan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya.

"Gusto mo bang dito nalang tayo kumain ng hapunan?" tanong ko. Binaba niya ang sigarilyong nasa mga labi.

"Kung gusto mong dito tayo kumain, sige."

"No, I am asking you." nagtagal ang titig niya sa akin bago muling nanigarilyo.

"Gusto ko." sagot niya kasabay ng pagbuga ng usok.  Tumango ako.

"I'll inform them." paalam ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makapasok pa sa bahay.

"Are you mad?" he asked. Nasa bewang ko ang kaliwang kamay niya habang nasa kanan naman ang sigarilyo.

"Hindi ako galit." I assured him. Tumiim ang bagang niya at mas sumeryoso ang mukha.

"Bakit iba ang pakiramdam ko?" umawang ang mga labi ko. Mas hinapit niya ako kaya halos nakayakap na siya sa akin.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon