CHAPTER 12

4.5K 80 5
                                        

The lady just confirmed that the family is indeed mad at people like me. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako pinapatira ni Luciano dito kung may galit naman pala sila sa mga kagaya ko. At bakit sila galit?

Nang wala na akong narinig mula sa loob ay pumasok na ako. I felt their eyes on me. Hindi ako bumati o tumingin man lang sakanila. Nanatili din silang tahimik. Ayokong magpakaplastik matapos kong marinig ang usapan nila.

"Ang Senyorito?" tanong nang babaeng huling nagsalita bago ako pumasok.

"Naliligo." tipid na sagot ko. Malisyosa ang mga tinging natanggap ko dahil doon. Itinuon ko ang atensiyon ko sa mga pagkaing nakahain sa mesa. There's a fried rice, hotdogs, hams, pancake, different types of cooked eggs, typical breakfast served in the Mansion.

Hindi din nagtagal ay pumasok na si Luciano sa kusina. He found my eyes and walked towards my direction. Umupo siya sa tabi ko at bahagyang nagtagal sa mukha ko ang mga mata.

"Make a milk, Manang. One teaspoon of sugar." baling niya sa maid na nasa may lababo.

"Kape niyo po, Senyorito?"

"One, please. Thank you." muli siya humarap sakin. Umiwas ako ng tingin at tinuon ang buong atensiyon sa platong nasa harapan ko.

"Why do I feel like we really have a problem?" hindi ako umimik. "This isn't just about your menstruation, Auria." bakas na ang kaseryosohan sa boses niya. Imbes na sumagot ay kumuha ako ng pagkain at nilagay sa plato ko. Hinawakan niya ang kamay ko kaya natigil ako sa pagkuha ng pagkain.

Malamig ko siyang tiningnan. Whatever his plan is, I will never fall for it! This is a trap. Masyadong kuwesyonable ang 'pagkakagusto' niya sa akin. He can get women whose way better than me. Why would he settle for a lowly woman like me? According to the maid, mabubuting babae ng naiuugnay sakanya.

He's looking through my eyes, looking for an answer. Umiwas ako ng tingin.

"We have a problem." siguradong sabi niya. "What is it, hm?" I remained seated and in silence. I heard him heave a sigh. May panunuyo sa mga mata niya at alam kong isa ito sa mga paraan niya para makuha ang tiwala ko sa kung ano mang pinaplano niya. "Tell me..." paos na pakiusap niya.

I closed my eyes and stopped myself from clenching my teeth. He knows exactly his edges. At kung magpapaepekto ako ay ako ang talo.

"Masakit lang ang puson ko." I lied. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. He leaned closer to me, binitiwan ang kamay ko at pumasok sa loob ng damit ko.

"What are you doing?!" pagalit na sabi ko dito.

"I want to ease the pain." sabi niya at hinaplos ng marahan ang puson ko.

"Makikita ka ni Manang!" sinulyapan ko si Manang na abala sa pagtitimpla ng inumin namin.

"I'm not doing anything." balewalang sabi niya.

"She might conclude something." I slightly panicked when I saw her dropping the spoon that she used to stir the drinks on the sink.

"You're an over thinker, Auria. It's not as if I'm finger fucking you." napapikit ako sa sinabi niya.

"Just remove it, Luan!" I hold his hand to remove it inside my shirt but he just firmly stayed there. Humahaplos pa rin ng marahan ang kamay niya sa puson ko.

"Please.." pakiusap ko. "Continue if we're alone." para akong nabunutan ng tinik nang tanggalin niya na nga ang kamay sa loob ng damit ko. Sakto namang paglapit ni Manang dala ang kape at gatas namin.

Nilapag niya ang inumin sa harap namin.

"Can you leave us here, Manang. May pag-uusapan lang kami ng Misis ko." he afford to smirk after that. Tumingin sakin saglit si Manang bago lumabas. Nagawa kong hampasin ang braso ni Luciano nang kaming dalawa nalang ang naiwan sa kusina.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon