Naabutan ko pang nakikipaghalikan si Tony sa parehong lalaking naabutan din namin nung nakaraan dito. Hindi na kasi ako kumatok at dumiretso na sa loob dahil akala ko ay mag-isa lang siya dito pero maling desisyon ata iyon. Mukhang naramdaman nila ang presensiya ko kaya tumigil sila sa paghahalikan at sabay na bumaling sa akin. Nabakasan ko ng gulat ang mukha ni Tony pero napalitan din agad ng iritasyon dahil sa pang-iistorbo ko.
"Pahiram muna ako ng pera, Tony. Naghihintay kasi 'yung Driver sa labas." sabi ko. Nginuso niya ang wallet sa lamesa kaya nagtungo ako don at kumuha ng isang daan.
"Haciendero ang boyfriend pero wala kang pampamasahe." komento niya at binalingan na ulit ang nobyo. Hindi na ako nagpaalam dahil baka mas maistorbo ko pa sila. Lumabas ako at nagbayad na kay Kuya at nagpasalamat.
I waited 'til the man go out of Tony's office. Hindi rin nagtagal ang paghihintay ko sa labas dahil bumukas na ang pinto at iniluwa ang medyo pawisan pang lalaki. Magulo na ang kaninang maayos nitong buhok. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi.
"Mukhang hiyang ka sa Hacienda Monteveros, Auria, a." nakangising komento niya. There's something in his expression that I couldn't pinpoint what is he trying to say. Hindi ko nalang siya pinansin at nilampasan na at pumasok sa opisina ni Tony. Hinihingal pa siyang nakaupo sa single couch.
"Late na pagpunta mo. Kahapon pa 'yung birthday ko." sabi niya.
"I'm sorry." paghingi ko ng paumanhin.
"Nagka Luciano ka lang, hindi ka na tumupad sa plano." alam kong hindi naman siya nagtatampo. More like nang-iinis siya sakin.
"I prepared to go here but Luciano didn't go home." sabi ko at yumuko.
"Don't tell me... nangbababae ang Senyorito?" he hysterically said. Ngumuso ako at nagkibit balikat.
"I called him last night, babae ang sumagot. Nagpakilala pang girlfriend. May babae din sa Mansion, suot ang T-shirt ni Luciano. Girlfriend daw. I think she's the same person who answered my call last night." pagkwento ko.
Umayos ng upo si Tony.
"Kaya ka lumayas? Mugto pa 'yang mga mata mo. Nalintikan na. Mukhang tinamaan kana ata." he tsked."Ano bang relasiyon niyong dalawa?" tanong niya sa seryosong tono. "He asked me to be his girlfriend. Pumayag ako."
"Two timer naman pala!" nagagalit na sabi ni Tony. Hindi ako nagsalita. "Ginawa ka pang kabit!!" gigil niyang sabi.
"I haven't heard his side. I just want to think for now." sabi ko sa pagod na boses.
"Extended ang birthday ko. Tara shot." I watched him get a bottle of tequila. Umagang-umaga!
"May trabaho ka pa mamaya." sabi ko naman. "Text ko nalang si boss na extended ang celebration." sabi niya at bahagyang tumawa. Nailing nalang ako.
I don't know if it's my tolerance in hard liquors that I am not yet wasted. Naubos na namin ang isang bote at namumula na si Tony. Nakasandal lang ako sa sofa at nakatingin sa ceiling ng opisina ni Tony. Tanghali na at magpadeliver si Tony nang kakainin namin. Inabot ko ang leg ng manok at kinain.
"Tumatawag ang two timer mong boyfriend." lasing na nguso ni Tony sa cellphone niyang kanina pa tumutunog dahil sa tawag. I looked at it and Luciano's name flashed on the screen. Naputol ang tawag pero muli siyang tumawag. I watched it add to the number of missed calls.
"Malakas pang-amoy niyan. Matutunton ka niyan dito."
Natulog na si Tony pero patuloy pa rin ang pagtawag ni Luciano sa cellphone ni Tony. May mga pumapasok ding texts galing sakanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inabot ang cellphone ni Tony at binuksan ang mga mensaheng galing kay Luciano.
![](https://img.wattpad.com/cover/279520555-288-k681322.jpg)
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Ficțiune generalăAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...