CHAPTER 16

4.7K 61 3
                                        

"Mukhang sinusundo kana, Senyorita." tudyo ni Nana Mildred. Bakit niya naman ako susunduin? Pagkatapos ng gulong ako ang pinagmulan, imposibleng iuwi niya pa ako sa Mansion. Baka may kailangan lang siya kay Mang Isko.

Bumukas ang pintuan. Hindi ako bumaling doon at nanatili sa kinauupuan ko.

"Magandang gabi, Senyorito!" bati ni Nana Mildred. Bumati siya pabalik. I can hear him nearing. I remained unmoving on my seat.

"Nandito na po ang buko niyo, Senyorita." sinalubong ni Nana Mildred ang asawa at kinuha ang pitsel na naglalaman ng buko.

"Bon, kuha ka ng dalawang baso sa kusina." utos ni Nana Mildred sa anak. Sumunod ang bata at pumasok sa kusina. Hindi rin nagtagal ay lumabas itong may dalang dalawang baso.

"Inom po kayo." alok ni Nana Mildred at nilagyan ng sabaw ng buko ang mga baso.

"Upo ka, Senyorito." halos hindi ako huminga nang maupo sa tabi ko si Luciano. Umusog siya kaya umusog ako palayo sakanya.

"Auria..." he called. Hindi ako sumagot. Nagpaalam ang mag-asawa at isinama pa ang anak kaya naiwan kaming dalawa sa Sala. Gusto kong sumunod sakanila palabas. Ayokong maiwan kasama si Luciano dito. Wala akong mukhang maihaharap sakanya dahil sa mga nangyare kanina. I heard him heave a sigh. Kinuha niya ang kamay ko pero binawi ko 'yun.

"Baby, please..." halos magmakaawa ang tono niya.

"I'll just spend the night here. 'Wag kang mag-alala, aalis din kami bukas." I said without looking at him. "Kung hindi, ngayong gabi na mismo." dugtong ko pa. Hindi ko nabawi pa ang mga kamay ko nang mahawakan niya. Mahigpit ang hawak niya sakin. I looked at our hands when he intertwined it.

He gently touched my chin at dahan-dahan akong pinatingin sakanya. Kahit sakanya na nakaharap ay hindi pa rin ako tumingin sakanya.

"Hindi kita pinapaalis." sabi niya. "At hinding-hindi darating ang araw na papaalisin kita dito. This is now your home. Our home." I looked at him. Para akong nalulunod sa mga titig niya.

"I don't belong here. This is only your home, Luan."

"Says who, Auria? Draco?" tumiim ang bagang niya sa pangalang binanggit.

"Tama naman si Draco. Nakakahiya ang pagpatol mo sakin, Luciano. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao?" nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"I said it before, I don't care about people's opinion. This is my decision and I am happy living with it." he gently caressed my face. "I want to fix our problems and not to run away from it. I don't want you running away whenever we have our problems. I want your words. Can you promise me not to run when problems occur? Hmm?"

"I don't know. I'll ruin your good image. People will throw words against you. This is not the life that they picture you to live."

"Because this is the life I wanted to live." marahang sabi niya. My tears cascade. Maagap niyang pinunasan ang mga luha ko.

"No one has a right to question how I chose to live my life. I've chosen you, Auria. I've chosen you to live with me, to be part of my life. In a pool of choices, I'll be choosing you. Always."
"And I hope that you'll choose me too." dugtong niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. He always assure me. Gumagaan ang pakiramdam ko sa mga salitang binibitawan niya pero hanggang kailan ako icocomfort ng mga salita niya?

Magkatabi kami ni Luciano sa hapag. Nakaluto na ng hapunan si Nana Mildred at nakahain na. May sinabawang isda at gulay sa niyog.

"Kumain na kayo." nakangiting aya nang mag-asawa. Tumango ako at kumuha ng pagkain at nilagay sa plato ko.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon