CHAPTER 11

4.2K 74 3
                                    

"Your family will freak out kapag nalaman nilang may binabahay kang bayaran. Makakarinig ka rin ng mga salita galing sa ibang tao. Ayos lang sayo?" nakatingin lang ako sakanya, naghihintay ng sagot.

"My family doesn't meddle with my decisions in life. I don't give a single fuck about other people. At hindi ka bayaran!" sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Parang sobrang apektado nga siya kanina e. Halos sumabog na siya sa galit sa mga narinig niyang salita.

"I'll do something if it's too much." he added. He's just wearing his pants na para bang bababa na rin anytime. Nakatingin lang siya sa akin at hindi pa kumukuha ng pangpalit.

"Tatapusin ko lang 'tong pag-aayos ko para makapagbihis ka o di kaya'y magbihis kana dahil hindi naman ako titingin." sabi ko at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga gamit ko.

"Kahit tumingin ka, walang kaso sa akin." dahil sa gulat kaya napatingin ako sakanya at halos suminghap nang mahulog ang pantalon niya sa sahig. Bumaba doon ang mga mata ko habang awang ang mga labi. Bakat na bakat ang ano niya! Kumurap ako at agad na tumalikod ulit sakanya pero nakita ko pa ang ginawa niyang pagngisi na para bang proud na proud siya.

"I'll just visit the farm. If you want anything, feel free to ask the maid or text me." kaswal na sabi niya. Parang hindi nakabrief a!!

"Mag-ce-cellphone ka habang nasa farm?" tanong ko nang hindi nakatingin sakanya.

"If you'll text or call me. I'll put my phone in my pocket so I can easily answer you." sabi niya.

"Hindi ako mag-te-text o tatawag. Hindi kita iistorbohin." pinal kong sabi.

"Ako ang mag-te-text o tatawag sayo kung ganun." hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya. Is he serious?

I am distracted because he's still on his underwear! Ang tagal niya namang magbihis! Kukuha lang ng pantalon e.

"'Wag na, Luciano!" angal ko. Ano naman kasi ang irereply ko? I'll just put him on seen once he messaged me. Hindi ko rin sasagutin kung tatawag man siya. Wala naman kasi akong sasabihin! It would be an awkward call.

Kung umarte siya parang ang layo niya! May patawag-tawag pa siya. Sa farm lang siya at hindi 'yon kalayuan sa mansion at uuwi siya sa bahay na 'to mamaya. I don't see the need to communicate while he's at work.

"May itetext at tatawagan kang iba?" he accusingly asked. I gasped at his conclusion.

"Wala!" mariing tanggi ko. Tumikhim ako dahil mukhang masyadong mataas ang ginawa kong pagtanggi. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Bukas na ako bibisita sa farm." bigla niyang dinampot ang pinaghubaran niyang pantalon at sinuot ulit. Mangha akong nakatingin sakanya.

"Ikaw ang bahala." sabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagtiklop ng mga damit. Narinig ko ang pagmumura niya bago ako iniwan sa loob ng closet. Napailing nalang ako. Hindi ko talaga alam ang takbo ng utak niya.

Tinapos ko ang pag-aayos at naabutan siyang nakaupo sa pang-isahang couch. Masama ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong masama.

Problema nito?

"Why are you glaring at me?" hindi ko na napigilan pang itanong. Suplado siyang nag-iwas ng tingin. Naglakad ako palapit sakanya at umupo sa katabing pang-isahang couch.

"What's with the silent treatment?" hindi ko na napigilan pa ang pagngisi. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Ang laking tao tapos ganito magtampo?

"If you want to go to the farm, go." tudyo ko sakanya.

"And leave you here while texting someone else?" I gasped at his sudden response.

"Sino namang itetext ko?" hamong tanong ko. I'm not even a fan of texting. Kaya saan niya nakukuha 'yang mga alegasyon niya? Hindi ko nga sigurado kung may load pa ako e. Hindi siya sumagot. Natawa na ako ng tuluyan. Mas kumunot ang noo niya sa pagtawa ko.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon