CHAPTER 20

4.3K 53 1
                                    

Tahimik akong umupo sa single couch. Nakatulog na si Nanay pagkatapos icheck ng Doctor. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Luciano. I looked at him. Nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay niya talagang balingan ko siya. His face suddenly lit up when I found his pair of eyes.

"I ordered for our lunch." masuyong sabi niya. Malambot ang ekspresiyon at alam kong nanunuyo.

"Do you still love her?" matapang na tanong ko. Kung masasaktan man ako sa isasagot niya, mas mabuti ng agapan ko ang puso ko. I need to hear the truth to finally move on, if ever he's not over her yet. I saw how his lips parted. Mas sumeryoso ang mukha niya at pinakatitigan ako.

"No." diretsong sagot niya.

"She has your phone. She answered my calls. She introduced herself as your girlfriend. You didn't go h-home. M-Magkasama kayo nang araw na 'yun." I enumerated. Kinuha niya ang kamay ko at masuyo iyong pinisil.

"There was an emergency at the farm. Nasunog ang gilid na parte ng palayan. I couldn't leave. Naiwan ko sa opisina ang cellphone ko kaya hindi kita natext. Hindi ko alam na nandun si Loren at naghihintay. When I checked my phone, it was dead bat already. Umalis din agad ako doon pero nagbilin ako kay Mang Isko na ipaabot sayo na hindi agad ako makakauwi. Sabi natutulog kana daw. I got home around four in the morning." he explained. Nakatitig lang ako sakanya, naghahanap ng kasinungalingan sa mga mata niya pero sinsero ang mga ito at talagang nagsasabi ng totoo.

"I'm sorry, baby. I'll make it up to you." puno ng paglalambing niyang sabi. Hinalikan niya ang kamay ko. "Tumawag si Mama na magbabakasyon daw dito si Loren kaya siya nandito."

"Why is she wearing your clothes?" may akusasyon sa tono ko.

"That was not my shirt. Naiwan iyong damit ni Henrico sa guest room." paliwanag niya. Umiwas ako ng tingin nang may tumulong luha galing sa mga mata ko. Maagap niyang pinunasan iyon at masuyo akong hinalikan sa noo. Inalalayan niya akong tumayo at pinaupo sa mga hita niya. Sumubsob ako sa leeg niya.

"Sorry." mahinang sabi ko. Nakayakap lang ako sakanya, sinasamantala ang init na hatid niya. Hindi ko napigilan ang damdamin ko dahil sa mga narinig galing sa babaeng nagpapakilalang girlfriend niya. Mas sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Humigpit din ang yakap niya sa akin. Paulit-ulit na dumadampi ang mga labi niya sa ulo ko.

"How long is she going to stay here?" bakas sa tono ko ang disgusto sa presensiya ng babae. Alam kong wala naman akong karapatan sa bahay pero hindi ko lang maiwasang hindi mabahala sa presensiya niya.

"2 weeks." napapikit ako sa tagal nang gagawin niyang pananatili dito. Ibig sabihin ay aaligid siya kay Luciano sa loob ng dalawang linggo. Hindi rin maitatanggi na gusto siya ng mga kasambahay at nagkakasundo silang lahat. Mas pumait ang pakiramdam ko sa isiping iyon.

"Two weeks is going to be fast." he assured me. "Wala kang kailangang ikabahala sa presensiya niya dito sa Hacienda. Sayong-sayo ako."

Kumain kami ng pananghalian sa Hospital. Nang magising si Nanay ay nagpaalam na rin kaming uuwi. Masaya siya nang makita kaming nagkaayos na. We promised to visit her again.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Luciano nang papasok na sa gate ng Hacienda ang sasakyan niya. Sumulyap siya sa akin at ngumiti, telling me that I'll be fine. Kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang babaeng dating minahal ni Luciano.

Sa pagtigil ng sasakyan ay nakita ko nang nakaabang sa hamba ng pintuan si Loren. Mukhang kanina pa naghihintay sa pagbabalik ni Luciano. May ngiti sa mga labi niya na agad naglaho nang makita akong bumaba ng sasakyan.

Luciano immediately came to my side, wrapping his arms on my waist. Kitang-kita ko ang ginawang pagpasada sakin ng tingin ni Loren at ang pagtigil ng mga mata niya sa kamay ni Luciano sa bewang ko. Disgust is written all over her face.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon