Putok ang mga labi at nakikitaan ko pa ng dugo. Hilam ang mga mata dahil sa pagluha. Nakatingala siya na para bang sa akin nakasalalay ang buhay niya. Nangungusap ang mga mata at para bang naghihintay na pakinggan siya.
I clenched my jaw.
Pumihit ako pero bago 'yon ay nakita ko kung paano nalaglag ang mga balikat niya, tila nawalan na naman ng pag-asa.
Hindi ko kayang magtagal sa terrace dahil sa lamig. Pumasok ako sa loob at inisip ang mukha ni Luciano. Akala ko ba ay inuwi na siya ng mga pinsan niya. Why is he still outside? I stopped myself from thinking about him. I also shrugged the idea that he is just outside.
I took a quick bath, nagpatuyo ng buhok at nagsuot ng pantulog. Mabilis akong nakatulog dahil na rin sa pagod.
Madaling araw nang magising ako dahil sa lakas ng ulan at paglamig pa ng kwarto. Kumukulog din. Mas lumamig sa kwarto kaya kinailangan kong patayin ang air-con. Isasara ko na sana ang kurtina sa glass door na nagkokonekta sa terrace nang may maalala ako. The image of him from awhile ago flashed into my mind. Malakas na singhap ang pinakawalan ko nang makita ang nakaupong si Luciano. Nakaupo siya sa lupa, nakayuko at inuulanan. The sight hurts me. Galit ako pero hindi naman ako nawalan ng puso. I can still feel things toward him.
Nagmamadali akong bumaba at kumuha ng payong. May mga tao sa baba pero mga abala na rin sa pakikipagkwentuhan at pagkakape. Lumabas ako. Mas malakas na ang ulan. I walked toward his direction. Ilang oras na ba siyang nagpapaulan? He looks like he doesn't care at all.
"Umuwi kana." mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Ang putla niya na. Halos matumba siya nang subukang tumayo. Maagap akong sumuporta sakanya. Sobrang lamig niya na rin.
"Are you trying to kill yourself?!" pagalit kong sabi habang nakaalalay pa rin sakanya. Nagulat ako nang hapitin niya ang bewang ko at yakapin ako ng mahigpit. Sumiksik siya sa leeg ko at doon parang batang umiyak.
"Bitaw, Luciano. I'll call your cousin. Ipapakuha kita dito." mariin ang hawak ko sa payong. Nanunuot na ang lamig sa katawan ko.
"I'm sorry. Baby, I'm wrong." nanginginig na sabi niya. "Give me another chance to make this all right. Magiging mabuti na 'ko. Isa pang pagkakataon." he begged. Basang-basa na ang leeg ko, hindi dahil sa naulanan siya kundi dahil sa mga luha niya.
"Umuwi kana." I felt him shook his head. "Dito lang ako sa tabi mo." pagmamatigas niya.
I heave a sigh. "Magpalit ka at magpahinga ka. For God's sake, you're cold as corpse!" pagalit ko dito. I did my best to distance myself from him. Nahirapan ako dahil sa bawat tangka kong ilayo siya ay ang paghigpit naman ng mga yakap niya.
"Masama sakin ang mabasa ng ulan." wala na akong maisip na ibang pwede kong irason sakanya. I felt him withdrew. Pinakatitigan niya ako ng mabuti. Parang kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha ko.
"Miss na miss na kita. Umuwi kana." umiwas ako ng tingin nang may tumulong luha galing sa mga mata niya.
"Give me time." tanging nasabi ko.
"Baby.." I parted my lips. Nahihirapan akong huminga dahil sa paninikip ng dibdib ko.
"Umuwi kana. You need rest." I have to hold him to convince him more. He still has this stubbornness pero nagpumilit ako. Nadala ko siya sa hila ko pero muli siyang nagmatigas. Nababasa na rin ako ng ulan at nilalamig na dahil isang manipis na pantulog lang ang suot ko. It barely shielded me to the cold breeze of air. Nawawalan ng pasensiyang tumigil ako sa paghila sakanya. I withdrew a sigh and glared at him.
"Gusto mong manatili dito? Well, you can!" iritadong sabi ko at tinalikuran na siya. Sa inis ko ay itinapon ko ang payong at nagpalunan. It is short-lived dahil hindi ko na naramdaman ang tulo ng ulan. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakatabon na sa ulo ko ang payong.
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
General FictionAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...