I watched him go back on lifting the basket of mangoes. His muscles flexed when he lifted one basket and walked to the truck. Bumalik ako sa pamimitas at wala na akong narinig na pagalit galing sa Ginang pero pa rin paawat ang malilisyoso nilang parinig sa akin.
"Napapakinabangan kaya napapaboran."
"Hintayin natin ang pagbabalik ni Senyorita Loren, tingnan natin kung saan pupulutin ang bayarang iyan!" this is the second time that Loren's name has been brought up. Who is she to Luciano? A girlfriend, perhaps? Pero sinabi niyang wala siyang girlfriend. Nagsisinungaling ba siya sa akin nang sabihin iyon?
"Hindi din magtatagal ay malalaman din ni Ma'am Lucy ang tungkol sa pananatili nang babaeng iyan dito. Magsayaw nalang kaya siya sa bar kesa ipilit ang sarili sa Senyorito."
Nagpatuloy ang pagpaparinig nila sakin. Hindi ko pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang isyu nila sa akin at ayokong maabala pa ang pag-ha-harvest. Siguro naumay din sila na pagkwentuhan ako dahil umiba na ang pinag-uusapan nila nang magtagal. Siguro nakita nilang wala akong interes na dugtungan ang patutsada nila kaya iniba nalang ang pinag-uusapan.
Luciano's tanned skinned shines because of the sun rays and his sweat. Pawis na din ang pantalong suot niya at marumi sa bandang pwetan. Mukhang umupo sa lupa.
"Lunch is ready, Auria." tumigil siya sa mismong harapan ko. Pinasadahan niya muna ako ng tingin at nang makuntento ay sa mukha ko na itinuon ang buong atensiyon.
"Nagpaluto ka?" tumango siya. Bahagya pa siyang hinihingal. I was expecting him to be atleast less attractive dahil sa dungis niya pero mas lalo lang lumakas ang dating niya. Bitak na bitak ang muscles at ang tigas ng tiyan. Hindi rin mabawasan ang bango niya. Pabango ba ang pawis niya? Sinaway ko ang sarili ko sa isiping iyon.
"Anong oras tayo uuwi?"
"You want to go home?" I immediately shook my head.
"Sa bahay na tayo mananghalian kung ganun."
"I want to stay, Luan. Nagtatanong lang ako. May dala ka bang pamalit?" tanong ko. He needs to at least change before we go home dahil baka matuyuan siya ng pawis.
"Magpapakuha ako mamaya." tumango ako, nakuntento sa sagot niya.
"What's for lunch?" tanong ko. Naglalakad na kami papunta sa isang kubo. Doon nagtitipon-tipon ang mga trabahante niya. Nakita ko ang mga kasabayan kong babae na matalim ang tingin sa akin. Tumaas pa ang kilay nung isa habang sinusundan ang kamay ni Luciano sa bewang ko.
"Nagpaluto ako ng adobo at sea foods. You want anything? Tell me and I'll call the house to cook. Or I'll call for a delivery?"
"I'm fine with the foods. Hindi na kailangang magpaluto o magpadeliver. Stop wasting money for me." his head turned to me before looking straight into my eyes.
"I'm earning for you. It's only right to spend it for you." my heart skip a beat because of that. Sinuway ko ang sarili ko. He knows exactly what words to use and I shouldn't fall for that. Hindi dapat.
Pinauna kong kumuha ng pagkain ang mga trabahante. Kung ikukumpara naman sakin, mas pagod sila dahil kanina pa sila nagtatrabaho. Ganun din ang ginawa ni Luciano. Marami ang pagkain kaya alam kong sosobra pa iyon samin.
When they are all have foods at nasa kani-kaniyang pwesto na ay saka lang ako tumayo mula sa pagkakaupo sa mahabang kawayang upuan. Ganun din si Luciano na nasa likuran ko siya at sobrang lapit sakin.
"Baby.." he called. Lumingon ako sakanya at napatunayan kong sobrang lapit nga naming dalawa. "You have stain." umawang ang mga labi ko.
Nag-isip ako nang posibleng mapagkunan ng napkin at kung paano ko itatago sa mga tao ang tinagusan kong damit. Kaya ba nasa likuran ko siya at sobrang lapit sakin?
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Ficción GeneralAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...
