CHAPTER 38

6.7K 80 6
                                        

A perfect set of teeth came to my view when she gave me her sweet smile. Hindi siya sa akin nakatingin pero nakangiti. Tutok ang mga mata niya sa computer na nasa harapan para sa sasabihin kong order.

"Good evening po! What's your order, Sir?" saka lang siya nagtaas ng tingin sa akin. Mas natitigan ko ng maayos ang mukha niya ngayong nag-angat na siya ng paningin sa akin.  Her almond eyes are expressive, kurba ang pilik, may kakapalan ang mga kilay, matangos ang ilong, mapula ang medyo makapal na mga labi na alam kong natural dahil wala itong bahid ng lipstick. Kamukha niya ang Nanay niya. Siguro kung maputi ito kagaya ng ina ay mas lalong madedepina ang pagkakahawig nila.

I couldn't look at her longer because her mother's face is what I can see. I had to stop myself from celebrating her beauty. She's the product of the woman who ruined my family. Her mother is my father's mistress.

Unti-unting nawala ang ngiti niya nang hindi ako nagsalita. I can sense familiarity from her. Mukhang kilala niya ako. Do I remind her of my father? Nakilala niya na ba ang ama ko? Ipinakilala ba siya ng Nanay niya sakanya? The thought just flamed my already burning system.

"S-Sir?" nag-aalangan niyang tanong. Mariin kong sinabi ang pagkaing gusto ko. Nakita ko ang panginginig ng mga daliri niya habang tinatype ang order ko.

"H-Here's your number, Sir. One of the staffs will just bring your foods on your table. Enjoy your meal, Sir!" hindi na siya tumingin pa sa akin. Nanatili ang mga mata ko sakanya habang binibigyang daan ang sumunod sa akin sa linya.

She flashed the same smile to the next customers. Mukhang naramdaman niyang nakatingin pa ako sakanya kaya sumulyap siya sa akin. Nawala ulit ang ngiti niya pero agad ring binalik at kinausap ng magiliw ang customer.

It's always the same scenario everytime I visit the fast food she's working in. I can feel her tensing up whenever she's getting my order. I did not confront her. I'm just watching her closely. Pinag-aaralan ko ang mga galaw niya. Kung paano siya makihalubilo sa ibang tao at kung may alam siya sa ginagawa ng Nanay niya.

Her father is sick. Hindi ko alam kung peneperahan lang ng Nanay niya ang ama ko para maipagamot ang asawa nito o talagang may nararamdaman siyang pagmamahal kay Papa. Either way, it's wrong to get herself inbetween a family man.

"Hindi na naman umuwi ang Papa mo." nilingon ko ang kagigising ko lang na ina. Pero mukhang hindi naman ito nakatulog. Mukha itong puyat at umiyak lang hanggang mag-umaga.

It's early in the morning. Maaga akong pupunta sa niyogan ngayon dahil harvest na ng mga niyog. I'll just drink my coffee and I'm off to go.

Sa pagtagal ng tingin ko kay Mama ang siyang pagtangis ng bagang ko.

Where are you this time, Father? May kutob na ako kung nasaan siya pero pinigilan kong mag-isip ng masama. I still give him the benefit of the doubt kahit halos buong bayan na ang nakakaalam. Hindi niya man lang talaga tinago ang pangloloko niya kay Mama. At sa isang dating bayaran pa talaga siya pumatol! Ang katotohanang iyon ang mas nagpapagalit sa akin.

"I no longer know what to do, Luciano." I saw how my Mother shed tears because of my father's infidelity. Lumapit ako kay Mama at marahan siyang niyakap. Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa mga luha niya. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya gayong kahit ako ay sobrang bigat ng dibdib ko.

I look up my father. He's good in managing his businesses, a good father and a husband. Kaya hindi ko maisip na kaya niyang magloko. I've seen how much he values my mother. He always consult her in every decision he made. Kaya nakakagalit malaman na nagloloko ito. What a fucking downgrade! From a very sophisticated woman to a whore? Really?

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon