CHAPTER 7

4.7K 79 5
                                    

I can no longer feel my feet. Nanghihina ako sa mga narinig. Someone guided me by holding my hand. It was Luciano.

Annika is too young for these kind of pain. My poor, Annika!

"Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot. Kani-kanina lang nang sagutin ni Tony ang tawag sa cellphone mo. Sinabi ko sakanya ang nangyare kaya siya na ang gumawa ng paraan para ma-contact ka." pagkukwento pa ni Ate Karol. Simula pagdating ko ng Bar ay hindi ko na nahawakan pa ang cellphone ko. I should have checked!

"Kumusta ang kalagayan niya? Is she okay now? Anong sabi ng Doctor?" nag-aalalang tanong ko. I am breathing hard from what I have learned. Hindi ko alam na mangyayare ito.

"Maraming dugong nawala kaya kinailangang salinan ng dugo. Sabi ng Doctor ay maghintay nalang tayong magising si Annika dahil ligtas na ito." kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa narinig.

Thank you, Lord!

Akala ko ay gumaan na talaga ang pakiramdam ko pero sa sunod na sinabi ni Ate Karol ay muling bumigat ang pakiramdam ko.

"Nilooban ang bahay niyo." I gasped upon hearing that. Tiningnan ko si Annie para kompirmahin ang narinig pero nakaupo pa rin siya sa sahig, tulala habang umiiyak.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko. Para akong mawawalan ng lakas sa mga nalaman ko. Humigpit ang hapit sa akin ni Luciano. Siguro naramdaman niyang nanghihina ako.

Inaalo ako ni Luciano sa pamamagitan ng pagbulong-bulong sa tenga ko. Marahan niya ring hinahaplos ang bewang at braso ko.

"Nasaktan ba kayo?" baling ko kay Ashley. Annie doesn't look good. Mukhang natatakot kaya tulala at umiiyak. Umiling si Ashley pero ang sinabi ni Ate Karol ang halos makapagpaguho na ng mundo ko.

"Muntikang magahasa si Annie."

"Auria!" tawag ni Luciano nang mawalan na nga ako ng lakas. Nakaalalay siya sakin para hindi ako tuluyang mapaupo sa sahig.

Napahagulhol na ako.

Nangyare 'tong lahat sa isang araw. Masyado akong nakumpyansa sa lugar namin. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Sa tagal namin sa lugar na iyon ay ngayon lang nangyare ito.

Buong akala ko ay ligtas ang lugar dahil pare-pareho naman kami naghihirap kaya walang dapat na pagkainteresan sa bawat bahay. Pero bakit ganito? Ano namang nanakawin nila sa bahay?

Halos hindi nga kami makaulam ng masarap sa hirap ng buhay. At bakit kailangang idamay pa ang kapatid ko?! Kahit kunin na lahat ng gamit namin, 'wag lang hahawakan at sasaktan ang mga kapatid ko.

"A-Ayoko ng bumalik sa bahay, Ate Auria!" malakas na humagulhol si Annie. I was the eldest but I wasn't able to protect my sisters. Hindi ko man lang sila nabantayan ng maayos.

Naalala ko ang ginagawa ko habang nasa kapahamakan na pala ang mga kapatid ko. I was damn moaning in so much pleasure and my sister was almost dying, 'yung isa ay muntikan pang magahasa.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mas malala pa ang nangyare.

Luciano put me on his chest. Humagulhol ako ng iyak doon. I feel so helpless. This is all my fault.

I was so certain that it was safe. It's not! Baka dahil din sa trabaho ko kaya nangyare 'to. Inisip ba ng magnanakaw na dahil pokpok ako ay may karapatan na silang pakialaman ang kapatid ko?

It took me almost half an hour to finally stop crying. Nasa dibdib lang ako ni Luciano sa nagdaang mga minuto.

Nang umayos na ako ay pinuntahan ko sa kwarto si Annika. Hindi sumama si Luciano dahil may tatawagan daw ito. Si Tony at Ate Karol ay bibili daw muna ng makakain namin. Si Annie at Ashley ay kasama ko sa loob ng kwarto ni Annika.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon