His car stopped in front of the Bar. Hapon na kaya alam kong nandito na ang mga nagtatrabaho at nag-eensayo na para sa sequence mamaya. Kinalas ko ang seatbelt ko at tumingin kay Luciano. Nasa mukha niya pa rin ang galit.
We were okay inside the house. Look how words can ruin someone's mood. People should know how to filter their words.
"Hintayin mo nalang ako dito." he eyed me and shook his head. "Mabilis lang ako." I assured him.
"I'll be with you." bumuntong-hininga ako at nauna nang bumaba. Mahahaba ang biyas niya kaya mabilis siyang nakalapit sa akin.
We entered the three storey building of the Bar. Nasa first floor ang opisina ng boss at kwarto ng ilang nagsasayaw dito sa Bar na ayaw ng umuwi minsan. Hindi ako umukupa ng kwarto dahil madalas akong ilabas ng mga lalaki. Sa second floor, doon na ang mismong bar area. Doon nangyayare ang inuman, sayawan at ilan pang mga bagay. The third floor have the rooms. Mga kwartong inuukupa ng mga gustong magpainit at kung ano pa man kasama ang mga babae ng Bar.
Luciano's eyes are critical while looking at the interior of the first floor. Para bang nagagalit siya sa bawat sulok ng gusali at sinusumpa ito.
Kumatok ako sa pinto ng opisina ni Tony. He's not the owner of the Bar pero siya ang namamahala dahil nasa ibang bansa ang totoong may-ari. Whom I never met.
Bumukas ang pinto at iritadong mukha ni Tony ang sumalubong sa amin. Pawisan siya at magulo ang may kahabaan niyang buhok.
Dumiretso sa loob ang tingin ko at may nakitang gwapong lalaki na hubad ang pang-itaas na nakaupo sa pulang single couch.
Mukhang maling oras ang dating namin.
"Auria." he acknowledged, a bit irritated. Ngumisi ako dahil mukhang naistorbo namin ang ginagawa nila. Mukhang hindi niya agad napansin ang kasama ko kaya nang makita niya si Luciano ay biglang tumuwid ang tindig niya at nawala ang iritasiyon sa mukha.
"Mr. Monteveros." he acknowledged formally.
Luciano just nodded.
"Magbihis ka at lumabas na muna dahil may mga bisita ako." baling niya sa lalaking kasama sa loob. Ngumisi ang lalaki at nagsuot na ng T-shirt.
"Pasok kayo." paanyaya ni Tony. Pinalabas na muna namin 'yung lalaki bago kami pumasok.
"Hi, Auria!" bati niya sa akin bago tuluyang lumabas. Umismid si Tony. Napailing nalang ako at pumasok na kasunod si Luciano.
"Upo kayo." sa mahabang sofa ako umupo at agad na tumabi sa akin si Luciano. He almost squeezed me when he sits. Halos hindi na ako huminga nang ipatong niya ang kamay niya sa hita ko.
Natuon doon ang tingin ni Tony at bahagyang tumikhim. May kislap ng pang-aasar ang mga mata niya. Tuluyan ng nawala ang iritasiyon niya sa pang-iistorbo namin sakanila nung lalaki. He looks amused now.
"Nag-usap na tayo tungkol sa pag-alis mo." he started.
"About that... pormal sana akong magpapaalam, Tony." hindi na naman siya nagulat sa sinabi ko. I saw him glanced at Luciano back at me. Kung wala siguro si Luciano sa tabi ko ay uusisain ako nito.
"You can leave the Bar but you have to pay, Auria. May kontrata ka pa samin." tumikhim si Luciano kaya tumingin kami sakanya.
"I'll pay for the breach of contract." Luciano said in a very serious manner.
Tumango si Tony.
"I'm also willing to pay more. Losses of income because of her absence. Just tell me the digits." mangha akong tumingin kay Luciano.

BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Narrativa generaleAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...