CHAPTER 23

4.6K 62 1
                                        

Instead of two weeks, Loren extended her stay. Maging ang Mama ni Luciano ay nanatili din sa Mansion. Hirap akong pakisamahan ito dahil parang si Loren lang ang kaya niyang tanggapin para sa anak. I get to see how they bond. Para na silang mag-ina sa pagiging malapit nila.

I am avoiding them as much as possible. Ayoko ulit na magkagulo. Ako nalang ang iiwas.

Nakakahinga ako nang maluwag kapag isinasama ako ni Luan sa pagbisita niya sa mga taniman nila. At kapag hindi naman ay nananatili lang ako sa kwarto dahil iniiwasan ko ang dalawa naming bisita. Just like today. Nakamasid ako sakanilang naliligo sa pool mula sa terrace.

Lucy Monteveros aged like wine. Parang hindi nanganak sa hubog ng katawan. She managed to maintain fit at the age of fifty. Her white complexion shines brightly against sunrise. Pareho silang maputi ni Loren. Tingin palang ay alam mong hindi dumaan sa hirap.

Nagtatawanan silang dalawa, magkasundong-magkasundo. Walang magiging problema kung makakatuluyan ng anak. Sa isiping iyon ay umasim ang sikmura ko. He no longer loves her. Matagal nang tapos ang kung ano mang namamagitan sakanila. Panatag ako sa nararamdaman ni Luciano para sakin.

Nawala sakanila ang atensiyon ko nang makitang may sasakyang papasok sa Hacienda. Hindi iyon pamilyar sa akin pero pamilyar ang taong bumaba sa sasakyan. Sinalubong siya ng ilang kasambahay. May dala itong maleta.

Pumasok siya kaya hindi ko na nakita pa. Mukhang hindi mapapansin ni Mrs. Monteveros na dumating ang pamangkin niya dahil abala ito kay Loren. I get my phone to text Luciano.

Ako:
Gregory is here.

Mabilis siyang nagreply.

Luan:
I'm going home.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko nang paparating ang sasakyan ni Luan. Bumaba siya at agad na pumasok sa Mansion. Nakaupo lang ako sa kama at hinihintay na pumasok siya. Medyo natagalan pa bago siya pumasok sa kwarto. Siguro dahil nag-usap muna sila ng pinsan niya.

Lumapit siya sakin at pinatakan ako ng halik sa mga labi.

"Did you eat your lunch?" umiling ako. Maaga pa naman para sa nakasanayang oras para sa pananghalian. "Let's go. Lunch is ready." kung hindi siya umuwi ay baka magpahatid nalang ako ng pagkain dito sa kwarto dahil ayokong kasabay ang dalawa sa hapag dahil pagkakampihan lang nila ako. I don't want to cause a ruckus. As much as possible, I am avoiding them.

Sabay kaming bumaba sa kusina ni Luciano. Nasa loob na si Mrs. Monteveros at Loren. Magkatabi sila at nagtatawanan pa nang maabutan namin. Pinatungan lang ng roba ang basa nilang bikini. Nandun na rin si Gregory na kuryuso ang mga matang nakatingin sa akin, malayo sa naging tingin ni Draco at Henrico. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa pinsan niya.

"Grego, this is Auria, my girlfriend." pagpapakilala sakin ni Luciano. Lito naman itong tumingin kay Loren at sa akin. Kalaunan ay ngumiti ito. His aura is way way lighter than his other cousins. Walang paghuhusga sa mga mata niya. Siguro kasi hindi niya naman ako kilala at hindi alam kung ano ako dati.

Tumikhim si Mrs. Monteveros.

"That's why Tita Lucy is here? She's getting to know your new girlfriend, huh?" natutuwa pa ang boses niya. Mukhang wala talaga itong alam. Umasim ang mukha ni Mrs. Monteveros pero hindi nagkomento sa sinabi ni Gregory.

"What brings you here, Hijo?" pag-iiba ni Mrs. Monteveros ng usapan at buong atensiyon ang ibinigay kay Gregory. Magaan talaga ang aura ng lalaki.

"I have a race in a nearby City, Tita. Naisipan kong dito nalang muna tutuloy hanggang sa matapos ang karera."

"Mabuti at hindi naman mahigpit ang mapapangasawa mo? Pinapayagan ka pa rin magkarera kahit malapit na ang kasal niyo." doon nawala ang magaang aura ni Gregory. Parang masama ang hatid sakanya nang sinabi ni Mrs. Monteveros. Mukhang hindi naman iyon napansin ng Ginang.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon