CHAPTER 34

7.3K 92 6
                                        

MERRY CHRISTMAS EVERYONE ❤🌷

-

Luciano remained unmoving. Mukha wala siyang balak na umalis.

"Hindi ako aalis hanggang hindi ko nakakausap si Auria." pinal na sabi ni Luciano.

"Ayokong makausap ka." sabi ko. Tumawa si Zeus na nakapagpatiim ng bagang ni Luciano.

"You heard her. Ayaw kang kausapin."

"Mag-usap tayo." baling niya sa akin. Halos magmakaawa na ang tono niya nang sabihin iyon.

"Wala tayong pag-uusapan. Makakaalis kana." taboy ko sakanya bago ko siya tinalikuran.

Napasinghap ako nang may humaklit sa bewang ko. Sa gulat ko ay mabilis akong naipasok ni Luciano sa sasakyan niya. Nagsisisigaw ako at pilit na binubuksan ang pinto ng sasakyan niya pero nalock niya na.

Nakita ko ang pagsugod ni Zeus pero nasipa siya ni Luciano. Nagpapanic si Tony habang si Lim ay inunang tulungan si Zeus na makatayo kaya malayang nakapasok sa sasakyan niya si Luciano.

"Open the damn door!" sigaw ko. Pinaghahampas ko ang braso ni Luciano.

"Iuuwi kita pagkatapos nating mag-usap. If you behave that way all throughout, I'm sorry, baby, but you're staying with me." mas nilakasan ko ang hampas ko sakanya.

"I fucking hate you!!" nanggagalaiting sigaw ko. Lumamlam ang mukha niya bago marahang sinalag ang mga hampas ko bago kinuha ang mga kamay ko.

"I'm sorry." binawi ko ang kamay ko mula sa hawak niya and chose to ignore his apology.

Tahimik ako nang magsimula na siyang magmaneho. I'm expecting him to bring me to his Hacienda pero hindi papuntang Hacienda Monteveros ang tinatahak niyang daan. Walang sasakyang nakasunod sa amin. Mabuti na rin na hindi sumunod si Zeus. Lasing at galit siya. Baka kung ano pang mangyare sakanya sa daan. At hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kay Luciano kung mangyare nga iyon.

Tumigil ang sasakyan ni Luciano sa labas ng Valentino. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Kung ayaw niya akong ibalik sa bahay, hindi ako lalabas ng sasakyan niya. Magmamatigas ako!

"I'm sorry. I'm just desperate to talk to you." sabi niya. Hindi ako umimik o bumaling man lang sakanya. Hindi ko paniniwalaan alin man sa sasabihin niya. Positibo akong memoryado lahat ng sasabihin niya sakin. Halos magdadalawang taon kaming hindi nag-usap kaya alam kong aral niya lahat ng sasabihin niya. Wala akong oras para sa mga kasinungalingan niya at wala akong panahon sakanya.

"There was a misunderstanding." simula niya. Humarap ako sakanya, mabigat ang dibdib.

"Hinihingi ko ba ang paliwanag mo?" malamig na sabi ko. "Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo at mas lalong wala akong pakialam sayo. Kaya pwede ba, ibalik mo na ako sa bahay dahil may anak akong kailangang bantayan. Hindi mo naman maiintindihan dahil hindi ka naman magkakaanak." maanghang na sabi ko. I saw how pain crossed his eyes.

"O kahit buksan mo nalang ang pinto dahil gusto ko ng umuwi at asiwang-asiwa na ako sayo."

"She's mine, right? Sabi mo sa akin diba?" pagak akong tumawa. Kaya ba nagpapadala siya ng mga gamit dahil naniwala siya sa sinabi kong anak niya. But realized he's wasting money and effort sa hindi niya naman anak.

"Hindi ba baog ka? Pano ka magkakaanak? Wala kang anak sakin, Luciano. Kung pinanghahawakan mo ang sinabi ko, namali ko lang. Hindi pala sayo kasi malabo dahil sa kalagayan mo." sinabi ko 'yon habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Kung kaya niya akong durugin sa mga salita niya, kaya ko rin siyang durugin sa mga salita ko.

"Pasensiya kana kung gumastos ka pa sa hindi mo naman anak. Binalik ko na 'yung mga gamit na binili mo na pinaabot mo pa sa kapatid ko. Pasensiya na kung nagsayang ka ng pera sa hindi mo naman anak." sarkastikong sabi ko.

I've Chosen YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon