Before the year ends, I will leave you guys with updates.
HAPPY NEW YEAR EVERYONE 🥂
-
The conversation with Luciano somehow lifted the heavy part in my heart. Gumaan ang pakiramdam ko but I meant what I have said. I don't want complications. Maayos na ako sa puder ni Zeus.
Pero hanggang kailan ko ipagkakait ang anak ko sa tunay niyang ama? Luciano also deserves to know that Celestine is his. Hindi ko alam ang gagawin ko. Biglang hindi ako naging handa.
"I'm leaving in a bit, Lilo." I informed the assistant manager of the Bar. Tony's not around dahil may pinapaasikaso ako sakanya.
"Yes po, Ma'am. Thank you for tonight!" magiliw nitong sabi. Ngumiti ako at pumasok na sa opisina para kunin ang mga gamit ko. Alas dyes na ng gabi. I usually go home at exactly nine in the evening but tonight is different. Tinapos ko na muna ang inventory at financial report dahil ayokong dalhin sa bahay ang trabaho.
Nang makuha ko na lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng Bar para makauwi na.
Hindi ko natago ang gulat nang makita ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayong gabi dito. Nakasandal siya sa kotse niya nang malabasan ko. Umayos siya ng tayo at lumapit sa akin. Tumaas ang kilay ko nang iabot niya ang isang punpon ng bulaklak. I was hesitant to get the bouquet of flowers dahil sa mga dala ko. Nang kunin niya sakin ang mga gamit ko ay kinuha ko na ang bulaklak.
"You don't have to give me flowers." I awkwardly said.
"I want to give you flowers." sabi niya. Tumango nalang ako dahil wala akong masabi.
"I'll drive you home." he offered.
"Susunduin ako ni Zeus." dumilim ang ekspresiyon ng mukha niya sa sinabi ko.
"He's still not here and I am here. Ako na ang maghahatid sayo pauwi." I looked around. Walang paparating na sasakyan. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba ang kapatid ko. May sinend nga itong text. Mahuhuli raw ito dahil nasiraan siya sa daan.
"Okay." sumilay ang tagumpay na ngiti sa mga labi ni Luciano. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Nasa mga hita ko ang bulaklak at bahagyang nagtagal doon ang mga mata niya. Inabot ko ang mga gamit ko na hawak niya. Binigay niya naman agad.
"Seatbelt." paalala niya. Hindi na ako umimik nang siya na mismo ang kumabit no'n sakin. Umikot siya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi rin nagtagal ay nagdrive na ito.
"Have you eaten your dinner?" bahagya itong sumulyap sa akin.
"Yes." tipid na sagot ko.
"You want to grab some snacks?"
"I'm tired, Luciano. Gusto ko nang umuwi." nakakaintindi naman itong tumango.
"Next time." he murmured. Gusto ng pumikit ng mga mata ko sa pagod. Ilang oras akong nakatutok sa laptop kaya nananakit ang mga mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kung hindi pa ako nagising dahil parang may nakatingin sa akin. Nang bumaling ako sa kaliwa ko ay nakita ko ang seryosong mukha ni Luciano. Inayos ko ang sarili ko nang makitang nasa harap na kami ng bahay.
"How long have I been sleeping?" tanong ko at inayos ang mga gamit ko para makalabas na.
"An hour." gulat akong tumingin sakanya.
"You should have wake me up!"
"You look tired. What did you do, hm?" para akong henehele sa lambing ng pagtatanong niya.
"Baba na ako. Thanks for the ride." I said instead of answering him. Isang tango ang isinagot niya.
Pumasok ako sa bahay nang hindi siya nililingon. Alam kong sa pagsama ko sakanya ngayon, binigyan ko lang siya ng pag-asa na baka pwede pa ang saming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/279520555-288-k681322.jpg)
BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Ficción GeneralAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...