CHAPTER 5

5.6K 88 4
                                        

Hindi na ako pinauwi ni Tony at sa bar nalang pinagpahinga. Pabor na rin 'yon sakin para hindi na ako mamasahe pauwi at pabalik ng Bar.

May mga gamit naman ako dito kaya walang problema para sa pag-aayos ko mamaya.

Just like what usually happened, hindi na ako nakakain ng pananghalian dahil sa antok ko. Nagising ako bandang alas tres ng hapon at doon lang kumain.

Sa opisina ako ni Tony natulog at kumain. Wala siya nang magising ako, baka tumutulong sa pag-aayos ng mga upuan para mamaya.

Ilang minuto ang ginugol ko para magpatunaw ng kinain bago nagpasyang maligo at mag-ayos. Maaga pa kaya tutulong na lang din ako kina Tony sa pag-aayos.

Bumaba ako at nakita kong nagpupunas ng table si Tony. Lumapit ako sakanya at kumuha ng basahan para makatulong.

"Mag-ayos kana lang, Auria." pigil niya.

"Mabilis lang ang pag-aayos." sabi ko naman.

"Kakaligo mo lang, pagpapawisan ka."

"Madalas akong pawisan, Tony." malakas siyang tumawa kaya pati ako ay natawa na rin. Bumaling pa sa amin ang ilang empleyadong nagpupunas din ng mesa. Ngumiti ako sakanila at ganun din ang ginawa nila pabalik.

The good thing about the people working here is they treat everyone as a person. Walang kaso kung bayaran ka, rerespetuhin ka nila kagaya ng pagrespeto nila sa mas nakatataas.

"Ibahin mo ang sequence mo mamaya." sabi ni Tony. Tumango ako dahil iyon naman talaga ang plano ko.

Hindi umiikot ang buhay ko sa Bar sa isang lalaki. Napagbibigyan lang si Luciano dahil may pera siya at dahil na rin mas gusto kong siya nalang ang kumuha ng gabi ko. Pero dahil sa naging desisyon ko ay marami palang nagreklamo, kukonti ang pasok ng pera at kaunti rin ang makakarating sakin.

Kahit naman may personal na pera galing kay Luciano ay nakakatulong din ang perang galing sa Bar. Mas maraming pera mas gagaling si Nanay at makakapag-aral ang mga kapatid ko.

"Hindi kaya magkagulo?" biglang sabi niya na parang biglang may naisip. I stopped wiping the table to look at him.

"May bouncers tayo dito, Tony." tumingin siya sakin.

"Masyado mo atang minamaliit ang galit ni Luciano?"

"Bakit siya magagalit at manggugulo?" I asked with furrowed forehead.

Umiling-iling siya at ngumisi.

"Kahit siguro ibahin ang sequence ay siya pa rin ang makakakuha sayo. Ang kaibahan lang, dadaan ka muna sa iba bago mapunta sakanya."
"Mukhang mas mapapagod ka ngayong gabi lalo na kung magwala ang Senyorito." sabi niya at humalakhak na para bang may naisip na sobrang nakakatawa.

It's my turn to shook my head.

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas hanggang sa maubos na ang mesa. Tumulong na rin ako sa pagwawalis dahil maraming kalat na iniipit lang sa couch.

I'm sweating hard after the cleaning.

"Maliligo nalang ulit ako." sagot ko nang punahin ni Tony ang itsura ko.

Nagpahinga ako saglit bago muling naligo. Mabilis na ligo lang dahil pinagpawisan lang naman ako.

Nag-ayos na ako at kumain ng kaunti para may lakas para sa buong gabi.

We followed the usual routine. Naiwan ulit ako sa backstage. Naglagay ako ng lipstick nang makitang nahuhulas na. Mukhang maraming tao base na rin sa ingay na naririnig ko.

Nang tugtog ko na ang pumailanlang sa buong bar ay tumayo na ako.

Nakahawak na ko sa tali ng bra-ng suot ko at kasabay ng pagbukas ng kurtina ay ang pagkalas ng gapos sa leeg ko. Dumagundong ang hiyawan dahil sa paglabas ko. Nasa likod lahat ng buhok ko kaya malayang-malaya ang dibdib ko.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon