CHAPTER 29

5.2K 83 0
                                    

Nakasunod si Zeus samin paakyat sa kwarto. Alam kong hindi na siya maghihintay pa ng ilang oras para kausapin ako. Iniwan niya ang magpipinsan at nagpaalam na sasamahan muna ko. I avoided to look at a specific person while Zeus was excusing himself. Kay Gregory lang ako bahagyang tumango at tipid na ngumiti. Unlike his other cousins, he looks calm and friendly. Parang mas mabait nga siya kesa sa pinsan niyang binansagang pinaka mabait sakanilang lahat.

Ipinasok ko muna sa kwarto si Annika bago ko inaya palabas si Zeus para makapag-usap. Sa dulong parte ng mga kwarto kami pumunta. I heave a sigh before telling him my story. Simula sa paghingi ni Nanay na tulong sa matandang Monteveros, pagkamatay ni Tatay, pagpasok ko sa bar, pagpapaalis sakin ni Luciano sa bar, makasakit na sinabi ni Mrs. Monteveros, pag-aakalang baog si Luciano, hanggang sa pagkamatay ni Nanay. Hindi ko isinali ang mga ginawa ni Luciano sa akin bago mamatay si Nanay.

"I fucking welcomed them in our house!" mariing sabi niya. Nakatiim ang bagang at kuyom na rin ang mga kamao.

"They are Papa's friend, Zeus. Hayaan nalang natin."

"Fuck! He's a jerk!" gigil niyang sabi. I tried to calm him down but his just too mad. Kahit nang makababa na kami ay hindi nagbago ang ekspresiyon niya. Dumistansiya na rin siya sa magpipinsan, maging sa mag-asawang Monteveros.

"I want to punch him!" mariing sabi ni Zeus habang masama ang tingin kay Luciano na kinakausap ni Henrico. Seryoso ang dalawa at mukhang nagkakainitan pa. Ang dating parang pinapagalitan ni Henrico si Luciano. Parang mas matanda kung umasta si Henrico.

Mukhang naramdaman nila na may nakatitig sakanila kaya sabay silang bumaling sa amin. Agad na nagsalubong ang mga mata namin ni Luciano. I saw how his lips parted, like he wasn't expecting me to look at him. Lumambot ang ekspresiyon niya.

"Now, he's looking like a love sick fool." rinig kong sabi ni Zeus. Umiwas ako ng tingin kay Luciano at hindi na siya muling binalingan pa ng tingin. Sa paglalim ng gabi ay may mga nagsiuwian na. Malalapit na pamilya na lamang ang natira.

"Auria." nagtaas ako ng tingin at bahagyang nagulat nang makita si Mr. Monteveros na harapan ko. Tipid akong ngumiti sakanya.

"Hindi ko inaasahang makikita kita dito." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Dapat ko bang sabihin na ama ko ang pinaglalamayan namin ngayon?

"Pwede ba kitang makausap, Hija?" maingat na pakiusap niya. He didn't do anything wrong against me. He's been good to my family too. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin.

"Sige po." tumayo ako at sumunod sakanya. I can feel eyes following my every move. Hindi ko na inalam kung kaninong mga mata iyon at sumunod nalang kay Mr. Monteveros.

Sa Garden kami tumigil. Seryoso ang mukha niya. Ako naman ay naghihintay lang ng mga sasabihin niya. "I would like to apologize. Nakarating sakin na may kumalat palang balita noon na kabet ko daw ang Nanay mo. I wasn't aware of such hearsay, until my son asked me for confirmation." he started.

"Hindi ko alam na pag-iisipan ng masama ng mga tao ang paghingi ng tulong ng Nanay mo. Pasensiya na, Hija. Kung nalaman ko lang noon ay matagal ko na sanang nilinaw na hindi totoo alin man sa mga kumakalat na sabi-sabi." kita ko na nagsasabi siya ng totoo. Baka kagaya ko rin ay hindi nakaabot sakanya ang mga sabi-sabi. Abala siyang tao kaya alam kong wala na siyang oras pa para makinig sa chismis. At hindi niya naman naisip na ibang interpretasyon ang makukuha ng ibang tao sa pagtulong niya. I feel bad kasi nagmagandang loob lang naman siya at nagawan pa ng kwento.

"Naiintindihan ko po."

"Hindi ko talaga alam, Hija. I also didn't know that my wife and son plotted a revenge against you and your family. Patawarin mo sana ako sa pagkukulang ko bilang asawa at ama sa pamilya ko. Hindi ko sinasadyang madamay kayo ng pamilya mo sa walang basehang alegasiyon." I hope that like this man, Lucy and Luciano have the same face to ask for forgiveness.

I've Chosen YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon