CHAPTER 26

6.6K 85 6
                                        

Sabi ko kakausapin ko siya. I will ask him about his intention for getting me out of my job, for lending a house to my sisters and for funding my mother's hospital bills. Pero hindi ko magawa. Umuwi ako ng Hacienda at hindi siya naabutan. Halos ako nalang ang tumatao doon dahil kahit si Mrs. Monteveros at Loren at hindi ko na rin makita. Gregory is also busy with his race. Hindi na rin ito umuuwi sa Hacienda at narinig kong tumutuloy sa kaibigan na malapit lang ang bahay sa paggaganapan ng race.

Ilang beses akong umalis ng Hacienda at pumunta kay Tony dahil pakiramdam ko mababaliw ako sa loob ng Mansion.

"Bakit hindi nalang kayo umalis dun?" sabi ni Tony habang nagtitipa sa laptop niya. Pagod akong sumandal sa sofa at tumingala. "Don't tell me that you love him and you can't leave him! Sasampalin kita sa rason mong 'yan!"

"Hindi pa kami nakakapag-usap, Tony. We can be wrong. Baka gusto niya talaga ako kaya inalis niya ako sa Bar." I tried to defend him. Inalis niya ang tingin sa laptop at sinamaan ako ng tingin.

"Ni hindi na nga kayo nagkikita! Ang lapit lang ng uuwian niya pero hindi niya pa magawa. He can't even assure you right now." dismayado nitong sabi.

Nilakad ko ang distansiya ng Mansion at ang bahay na tinutuluyan ng mga kapatid ko. I don't want to bother Tony right now. Abala rin siya sa trabaho at ayokong lumabas ng Hacienda. I woke up with a heavy feeling. Nahihilo ako kaya gusto kong makalanghap ng preskong hangin. Miss ko na rin ang mga kapatid ko. I haven't seen them for a while now.

Kumunot ang noo ko nang makita si Annie sa bahay. I am expecting her working. Tapos na ang klase niya kaya buong akala ko ay nagtatrabaho na siya.

"Ate?" gulat nitong tawag at natigil sa pagsasampay ng mga nilabhang damit.

"Wala kang trabaho kay Luciano ngayon, Annie?" I asked.

"Hindi ako nagtatrabaho, Ate." mas kumunot ang noo ko.

"Hindi ba't nung nakaraan ka pa dapat nagsimula?"

"Ayon na nga po, Ate. Pumunta ako doon pero sabi ng production manager ay hindi naman sila naghahanap ng bagong empleyado." naguguluhan ako. Hindi ba't si Luciano mismo ang nagsabi na ipapasok niya si Annie para tumulong sa production?

"Alam ba 'to ni Luciano?" nagkibit-balikat siya.

"Hindi ko naman po kasi nakikita doon si Kuya Luciano kaya hindi ko po nasabihan. Nahihiya naman akong pumunta sa Mansion."

"I'll tell him." tumango siya at nagpaalam na ipagpapatuloy na ang pagsasampay. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ba dapat sasabihan ni Luciano ang mga empleyado niya tungkol sa pagpasok ni Annie? Kaya paanong nangyareng wala silang alam?

Pumasok sa isip ko ang pagiging Assistant niya. If I am his Assistant, I should be with him. Dapat kagaya niya ay abala din ako pero bakit hindi niya na ako sinasama sa trabaho niya? Totoo ba talaga ang inaalok niyang trabaho samin? Fuck! Or this is also to get us? Damn!! May trabaho ba talagang naghihintay samin o sinabi niya lang iyon para mapanatag ako kahit papaano at hindi na kuwestyunin pa ang totoong intensiyon niya samin? The realization made me gasped.

I don't know why but the incident that made me decide to live with him came into my mind. Hindi kaya.. Fuck! Fuck! Annie always see Luciano's car before, right? Pinag-aaralan niya ang paligid? Inutusan niya ba siya Gabo na pasukin ang bahay?

"Ate." nag-aalalang tawag ni Annie at iniwan ang sinasampay para daluhan ako. Nanghihinang humawak ako sa hamba ng pinto. Sumasakit ang ulo ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. Sana mali ako sa mga iniisip ko. Kasi kung tama ako, damn!

"Ayos ka lang ba?" tumango ako.

"I'm going home, Annie." sabi ko at nagmamadaling naglakad palayo sa bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni Annie pero hindi na ako lumingon. Imbes na sa Mansion ay sa manggahan ako pumunta. Sana ay narito siya. I need to talk to him!

I've Chosen YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon