Humahangos na pumasok sa banyo si Luciano. Magulo ang buhok, walang damit na pang-itaas at inaantok pa. He's only wearing his boxers short. Nakaluhod ako sa sahig ng banyo at nanghihina. Lumapit siya sakin at dinaluhan ako. Sinakop niya ang buhok ko at marahang hinaplos ang likod ko.
Simula nang magising ako ay nagsusuka na ako. Hindi ko alam kong gaano na ako katagal na sumusuka. Halos puro tubig nalang ang isinusuka ko. Mangiyak-ngiyak na tumingin ako kay Luan. Nawala na ang antok sa mukha niya. Pag-aalala ang nakalarawan sa buong mukha.
"How are you feeling?" he asked worriedly. Pinunasan niya rin ang gilid ng mga mata ko.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko." sabi ko.
"What's hurting, hm? Tell me." marahang sabi niya at masuyong hinahaplos ang mukha ko. Pinunasan niya rin ang mga labi ko.
"I just feel like throwing up." pag-amin ko. Parang nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
"Did you have your period for this month?" he sounds hopeful. Wala pa man akong sagot ay kumikislap na ang mga mata niya.
"Hindi pa." gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. He cursed and hugged me tightly.
"Baby.." masayang bulong niya. Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Hindi pa tayo sigurado." marahang sabi ko. I don't want to get our hopes high. Baka may nakain lang ako kaya sumama ang timpla ng tiyan ko.
"I'll ask the maid to buy us pregnant test kit. And we will visit a Doctor after." humawak ako ng marahan sa braso niya at tumango. Muli siyang nagmura. Wala pa man ay ramdam ko na ang kaligayahan niya.
"Nahihilo ka ba?" umiling ako.
"Gusto ko magtotoothbrush." Inalalayan niya akong tumayo. Marahan kaming naglakad papunta sa sink para magsipilyo. Hindi nakalampas sakin ang ngiti niya. Nahawa ako kaya napangiti rin. Ayokong umasa at ayokong mawala ang kislap sa mga mata ni Luan. He looks happy.
"Maliligo na 'ko." sabi ko pagkatapos magsipilyo. "I'll join you." ngumuso ako. "Kaya ko naman." hindi na ako nakipagtalo pa nang buhatin niya ako papuntang shower.
Umayos ang pakiramdam ko nang makaligo na. Halos si Luciano na rin ang nagbihis sakin. Umalis siya saglit para magpabili ng PT kit. Pagbalik niya ay may dala na siyang agahan.
"We can just eat downstairs." sabi ko.
"You're not feeling well."
"I'm fine now." nilapag niya sa center table ang dalang agahan at lumapit sakin.
"You're pale." pinakatitigan niya ako. I unconsciously bit my lips. Tumagal doon ang mga mata niya.
"Let me do that." he said and kissed me fully on my lips. Marahan niyang kinakagat ang mga labi ko at pinalalim ang halikan naming dalawa. Ang katok sa pinto ang nakapagpahiwalay saming dalawa. Pareho kaming hinihingal.
"Senyorito. Nandito na po 'yung pinabili niyo." pinatakan pa ng isang halik ni Luan ang mga labi ko bago tumayo at nagtungo sa pintuan. He opened the door at kinuha ang pinabili. Tipid din siyang nagpasalamat.
"Would you like to eat first or do the test?" marahang tanong niya.
"Can we eat first?" tumango siya at inakay na ako paupo sa couch. Ayokong maapektuhan ang agahan naming dalawa sa kung ano mang result ng test. Baka mawalan siya ng ganang kumain kung negative ang lalabas na result.
Mabilis kaming natapos sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang makapasok na sa banyo. I read the instructions and follow what's written in there. Naghintay ako nang ilang saglit. Kagat ang mga labing naghihintay sa magiging resulta.

BINABASA MO ANG
I've Chosen You
Fiksi UmumAuria Constantia, poor, bread winner and a prostitute. Binibenta ang sarili para sa pera. Handang tanggapin lahat ng pangmamaliit, panghuhusga, pangbabastos kapalit ng perang magdudugtong ng buhay ng Nanay niya, mga perang sumusuporta sa mga kapatid...