Chapter 40

1.8K 95 15
                                    

Chapter 40: Lambanog


-

-

-

Sophia's POV

Pumasok ang sinasakyan namin Ford Expedition sa malaking gate. Narating na namin ang rancho na pag mamay-ari ng great-great grandparents ko sa side ni dad.

Habang binabaybay namin ang daan papalapit sa entrade ng bahay ay nakangiti akong nakadungaw sa bintana habang tinitignan ang mga nagtataasang mga puno. Hindi ito kasing garbo ng rancho nila Gerry sa Puerto Prinsesa pero halos dito na ako magpalipas noon ng summer break ko.

Ilang taon ko ring hindi na dalaw ang mga pinsan kong dito na nagsilakihan.

Iniliko ni dad ang sasakyan sa harap ng bahay katabi ng isang jeep na ginagamit para iangkat ang mga ani patungong lungsod.

Si Mamang Conchita, ang aking lola ay naghihintay samin sa may engrandeng pinto. Sa tabi nito ay ang personal nurse nitong si Judelyn.

"Magmano kayo kay Mamang paglapit ninyo." My dad reminded us then left us as well as mom.

Sumunod naman kami ni Gerry sa mga ito.

"Gerry, I'm getting old now, can you get all the luggages from the car?" Utos ni dad ng makalapit kami kay Mamang Conchita.

"S-Sige po." Sagot ni Gerry.

"Tulungan na kita, tol."

Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita na kakalabas lang galing sa loob ng mansiyon. The guy was 6'1 feet tall, mas matangkad lang si Gerry rito ng ilang pulgada. Moreno ito at talagang laking probinsya. Kita rin sa magandang katawan nitong batak na batak ito sa trabahong rancho. Kung hindi ito nakasuot ng kupas na shirt ay magmumukha itong modelo sa New York.

Gaya ni Gerry ay nag uumapaw rin ito sa sex appeal.

(A's Note: Rueben's Photo.)

)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Military Multi-Billionaire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon