Chapter 42

3.1K 102 84
                                    

Chapter 42: Signs

-

-

-

Sophia's POV

"Sobra sobra, hindi ko alam kung bakit sobra yung pagmamahal ko sakanya pero hindi ko kakayaning mawala siya. Ibubuhos ko ang lahat wag lang siyang mawala sa'kin. She's the world I'm looking for. She's my everything. Hindi ko hahayaang may sumira ng relasyon na'min." Sinalubong ni Gerry ang tingin ni Rueben.

Ilang dipa ang layo ko sa kubo at hindi namalayan ni Gerry at Rueben na nando'n ako dahil tanging ang ilaw lang sa kubo ang ilaw doon at ang ilaw mula sa mansiyon na may kalayuan sa farm.

Sobrang lakas ng kanog ng dibdib ko ng marinig ang naging sagot ni Gerry. Tila may mga paro paro ang pakiramdam ko ng mga oras na yo'n.

"Aasahan ko yan, pre, dahil kung darating ang panahong sasaktan mo siya, andito ako para bawiin siya sayo. Umasa akong mapapa sa akin siya ngayon kagaya ng pag asa ko noon pero sawi ako kagaya ngayon. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa na darating yung araw na magiging kami din ni Sophia." I heard Rueben says.

Bahagyang nalungkot ako para kay Rueben dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko rito, parang pinsan na rin ang turing ko sakanya simula noon pa.

"Hindi ko hahayaan na mangyari pa yung mga gano'ng bagay." Gerry replied. "Hindi ko siya sasaktan at yun ang asahan mong mangyayare sa relasyon namin ni Sophia."

"Humihingi ako ng tawad sa di magandang pakikitungo ko sayo. Akala ko kasi hindi ka seryoso kay Sophia, nadala na rin siguro ng labis na pagkaselos ko sayo dahil ikaw ang nobyo niya."

"Wala yo'n, naiintindihan ko naman kung saan ka humuhugot ng pagkainis at pagkaselos mo." Gerry says.

Saktong may sumigaw mula sa likuran ko.

"Oy! Tama na yan! Tara na't mag-inuman!" Sigaw ni Clarence na nasa may likod ng mansiyon.

Napalingon tuloy si Rueben at Gerry rito dahilan para mapansin ako ng mga ito.

"Kanina ka pa, Sophia?" Rueben asks.

"N-No." I lied. "Papalapit nga ako sainyo para tawagin kayo."

Napakamot si Gerry sa batok. "Let's go?" Sabi nito at lumabas na ng kubo.


"Saglit, Clarence!" Sigaw ni Rueben na tumakbo papalapit rito.

Si Gerry naman ay lumapit sakin at umakbay. "Nakapag-usap na kayo ng daddy mo?"

I nodded and look up to him. "Yup, he apologized for what he did to you and for slapping me." I told him. "Mabilis lang din kaming nag-usap and gano'n talaga si dad. Masyadong over protective."

Ngumiti si Gerry at humalik sa tuktok ng ulo ko. "I understand him. Medyo protective lang siguro at sinusubukan ako kung susuko ako sa'yo." He said.

My Military Multi-Billionaire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon