Chapter 21: Being Far
-
-
-
Sophia's POV
5:35 a.m.Gerry was lying peacefully beside me. Nakatulog nalang to dahil sa pagod kakaiyak dahil sa balitang nalaman niya.
Sa mansiyon na rin kami natulog at nagpalipas ng oras. Naibilin naman namin kila Rebecca ang townhouse ni Gerry.
Mamayang alas dose ng tanghali ang dating ng mga helicopter para maging sasakyan nila papuntang Puerto Prinsesa. Alas Syete naman ang dala ng karawan ni Don Franco roon.
Mabuti nalang at bukas pa ang dating ni mommy at makakapag adjust pa'ko. Hindi ko pa rin nasasabi kay Gerry na uuwi si Mommy, baka kasi mas lalong ma-stress ito at ayokong magulo ang isip nito.
His family needs him and hopefully he'll be with his family on his grandfather's last stay.
Yumakap ako rito at isiiksik ko ang sarili ko. I'll miss him. I'm still not sure if I can make it to Puerto Prinsesa because of my mom.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Gerry, he held me tightly.
Mababaw pa siguro ang tulog nito kaya naramdaman pa nito ang pagyakap ko sakanya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa makisig na bisig nito. I feel so safe when I'm with him.
Tila walang kayang makasakit sakin kapag nasa tabi ko siya.
----
10:30 a.m.
My eyes were still squinting because of the light coming from the window blinds. Nilingon ko si Gerry na mahimbing pang natutulog sa tabi ko.
Bumangon ako at naghilamos. Hindi naman nagising si Gerry at sobrang himbing ng pagkakahimlay.
Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos ng bahagya ay lumakad ako sa cabinet nito, pero mangilan ngilan lang ang damit nito doon, puro suit pa kaya naman hindi ko na itinuloy ang balak kong ipag impake ito.
Bumaba nalang ako sa may kitchen at gumawa ng kape para dito. May ilang cook na nandun but I told them that I can handle it alone, I also told them they can do their own stuff.
I was in the middle of making his coffee when someone from my behind talks.
"He must be very lucky to have you." A deep manly voice.
I shifted myself to see who that person was.
Matangkad rin ito gaya ni Gerry, hindi sila gaanong magkahawig pero maganda rin ang tindig nito. He's good looking at mukhang iisang dugo lang ang dumadaloy sakanila ni Gerry. Gaya ni Gerry, the guys is also intimidating. Malakas rin ang appeal nito.
BINABASA MO ANG
My Military Multi-Billionaire Boyfriend
RomanceFranco #2: Gerry Leon Franco Rankings: #1 'KimJiWon' (September 20, 2021) out of 172 stories #1 'ParkSeoJoon' (September 20, 2021) out of 99 stories #28 'ongoing' (September 20, 2021) out of 1000+ stories