Chapter 48: Softly
-
-
1
Sophia's POV
I was loitering at the veranda, feeling the sunlight and the cold breeze of the fresh air. Nakakagaan sa pakiramdam ang pag nuod ko sa mga halaman sa may ibaba na sumasayaw sa hangin.
We'll be heading Manila in a few hours. Kailangan ko na rin bumalik sa trabaho dahil ilang araw lang ang hiningi kong leave. Same with Gerry.
May mga kailangan din kasing asikasuhin si Gerry at inatasan ito ng daddy niya sa isang malaking project. Mauuna na kaming dalawa sa pagluwas sa Maynila at ang mga tauhan nito ang susundo sa'min.
"Hi."
Napalingon ako sa nagsalita, it was Mamang.
Ngumiti ako rito at niyakap ko siya, mamimiss ko nanaman ito at matagal tagal nanaman kaming hindi magkikita. Yumakap din ito sa'kin.
"Mag-iingat kayo sa biyahe ninyo, hija." Sabi ni Mamang nang mag bitaw ang yakap namin sa isa't-isa.
I smiled to her. "Opo."
"Ang laki laki mo na, sweet heart, parang kailan lang nung huli kitang makita ay nasa fifteen or sixteen ka ata no'n." She says as she cupped my face.
Ngumiti ako ng napakatamis rito.
"You've grown so well, beautiful, sweet and smart. The epitome of a perfect lady." She says.
I can't reply to her compliments. I was overwhelmed.
"Ingatan mo ang sarili mo palagi, hija." Mamang says. "Ingatan mo din si Gerry, he really loves you. Kitang kita sa mga mata nito kung gaano ka niya kamahal at tila humaling na humaling ito sayo."
Natawa ako sa sinabi nito. "Mamang naman."
"I've been there kaya alam ko kung ano ang totoo sa hindi." Mamang told me while looking through my eyes. "Magmahalan lang kayo. Huwag kayong magpapadala sa galit."
I smiled to her, containing my tears not to fall.
"Hi, gorgeous." Napalingon kami kay Gerry na naglalakad papalapit sa'min.
Bagong ligo ito na may tuwalya pang nakasabit sa batok habang pinupunasan ang basang buhok.
"Napaka gwapo talaga nitong batang ito." Papuri ni Mamang habang tinitignan ang kabuuan ni Gerry.
"Thank you po." Nakangiting balik ni Gerry rito. He stood next to me.
BINABASA MO ANG
My Military Multi-Billionaire Boyfriend
RomanceFranco #2: Gerry Leon Franco Rankings: #1 'KimJiWon' (September 20, 2021) out of 172 stories #1 'ParkSeoJoon' (September 20, 2021) out of 99 stories #28 'ongoing' (September 20, 2021) out of 1000+ stories