Chapter 58

831 39 11
                                    

Chapter 58: The Start

-

-

-

Drei's POV

Nasa mall kaming dalawa ni Sophia kasama si Grayson at Jeremy, kakasundo lang namin sa gwapong anak nito sa eskwela nang biglang maisip ni Sophia na mamili sa mall.

Malapit na rin kasi ang birthday ni Grayson at gusto niyang bilhan ito ng regalo. Hindi ko sinabi kay Gerry na magbi-birthday ang anak nito dahil baka gumawa nanaman ito ng mga hakbang na magpapagulo sa situwasyon.

Grayson will turned 5 next month and she has no any idea what to buy him for a gift.

"Ano bang plano mo sa birthday ni Grayson?" Tanong ko rito.

She shrugged while checking the clothes at the kids' section. "I don't know, baka pumunta kami kila mommy at doon magcelebrate kasi ando'n naman halos lahat ng kalaro ni Grayson at wala kaming masyadong close sa village."

"Why don't you invite his schoolmates?"

"Ano ka ba hindi naman gano'n kalaki ang bahay namin at nakakahiya dahil hindi naman talaga ako mahilig sa magarbong selebrasyon." Sagot nito na sinulyapan si Jeremy at si Grayson na tumitingin ng mga action figure at RC cars na naka display.

Nalungkot ako para kay Jeremy. He's been courting Sophia for almost 2 years now but Sophia doesn't like him to be her partner. Masaya na siyang andiyan si Jeremy sa tabi niya bilang kaibigan at alam ni Sophia na yun lang talaga ang maibibigay niya rito.

Biglang sumagi sa isip ko si Gerry. "He's turning 5 next month, wala ka parin bang planong ipakilala sakanya si Gerry?"

Sophia sighed heavily. "Okay nang ganito, walang problema at malayo sa media. Alam mo namang kilala ang pamilya ni Gerry at ayokong mamulat si Grayson sa gano'ng buhay. Masaya na akong tahimik at simple lang ang buhay namin. Isa pa, wag mo nang isipin si Gerry dahil paniguradong nakalimutan na ako no'n. Hindi nga nagdalawang isip na hanapin ako. Baka kasal na rin yo'n sa ibang babae." She sounds in pain.

Kung alam mo lang, gurl, he's still madly in love with you. Sigaw ng isip ko sa mga sinabi niya.

"Pero mahal mo pa siya?" Nilingon ko siya.

She shrugged. "Minahal ko siya." Sinulyapan niya si Grayson na tumitingin tingin ng laruan. Malungkot ang mukha ni Grayson na tila bored ito sa ginagawa o dahil hindi nito kasama si Gerry.

"Look at him, parang ang nakuha lang sakin ni Grayson, eh, yung mata ko pero the rest, features lahat ni Gerry."

Napatingin na rin ako kay Grayson. "Oo nga."

"Shit!"

Napalingon ako kay Sophia na bahagyang yumuko at tila may tinaguan, she hid herself on the hanged clothes.

My Military Multi-Billionaire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon