Chapter 7

3.3K 120 49
                                    

Chapter 7: Baguio

   

-

-

-

   
Third Person's POV

   
Napag desisyunan ng mga ito na sa Baguio nalang tumuloy. Si Oliver ang nagdecide na doon nalang sila tumuloy para rin naman masarap ang simoy nang hangin.

  

Mahigit anim na oras silang bumiyahe kaya naman pagdating nila sa Baguio ay may araw na rin. Isang malaking two storey Resthouse ang tinuluyan nila na mag anim na silid.

  

Gerry parked his car infront of the storey house. Mabuti nalang at malawak ang kabuuan ng bahay dahil anim na sasakyan ang dala ng mga ito.

  

Bumaba si Gerry at pinagbuksan nanaman siya nito ng pinto.

  

Pagbaba niya ng sasakyan ay nakita niya ang matalim na mata ni Elise na nakatingin sakanila pero hindi nalang niya ito pinansin.

  

Gerry opened the backseat and took their things. Ito na rin ang nagbuhat ng gamit niya.

  

"Ang laki ng bahay, ah." Puna ni Andrew habang nakatingin sa kabuuang laki ng bahay.

  

Naunang pumasok si Vernon at ang fiancee nitong si Angelica na bitbit din ang isang maleta.
(A/N: Vernon and Angelica's photo.)

  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  

Inilibot niya ang paningin, wala masyadong kalapit na bahay doon, napapaligiran din ang bahay ng malawak na bakuran at nagkalat ang mga puno sa paligid.

  

Nilingon siya ni Gerry. "Let's go?"

  
Isang matipid na tango at ngiti ang isinagot niya rito. Nauna itong lumakad sakanya, siya nama'y nakasunod lang dito.

  

Pagpasok sa loob ng bahay ay namangha siya sa ganda no'n. Pulos gawa sa kahoy ang kagamitan ng buong bahay, may malawak na family room doon kung saan mayroong fireplace at may isang 64 inches flat screen T.V. meron ding sofa na gawa sa Narra. Ang kusina nama'y may isang grand table na may doseng upuan.

  

Gawa sa kahoy ang hagdanan na pulido ang pagkakagawa, pag-akyat nila sa taas ay may anim na pintuan, tatlong magkakatapat na pinto at sa dulo noon ay ang balcony na kung saan makikita ang malawak na likuran ng bahay. Sa likod no'n ay isang malawak na garden kung saan mayroong Jacuzzi na kasya ang kinse na tao at isang malaking ihawan.

My Military Multi-Billionaire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon