Paglaya
by vanunulatIt's already in the middle of 2020, but I'm still in love with the man I met in late 2017. Halos tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang lumilikot sa isipan ko. Nakakulong pa rin ako sa nararamdaman ko sa kaniya na alam kong kailanma'y hindi matutugunan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kalimutan. Hindi ko alam kung ano'ng mayro'n siya at hindi matapos-tapos itong nararamdaman ko para sa kaniya.
Alas onse na nang gabi pero heto pa rin ako, nakaharap sa aking cellphone, tinitingnan ang kanyang Facebook account. Hindi ko pinapalampas ang araw na hindi binibisita ang wall niya. And because of that, stalking him has become my habit.
Nang ma-satisfy ako, tumigil na ako sa pag-stalk at natulog na. Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho pero tila nakalutang ako. No'ng lumapit sa akin ang ka-workmate ko, muntik niya na akong sampalin para lang bumalik ako sa sarili.
"Saan na namang lupalop nag-adventure ang isip mo, girl?" aniya. "Tara na at mag-lunch na tayo."
Umalis kami sa office at kumain sa malapit na kainan. Lutang pa rin ako habang kumakain. Tila nasa ibang dimension na naman ang isip ko.
"Hoy, Karie! Kumain ka nga muna bago ka bumalik sa pag-adventure mo!" singhal ni Jenny.
Napasimangot ako at inirapan siya. Sinubukan kong sumubo ng pagkain kahit wala akong gana. Umangat ang tingin ko kay Jenny habang iniisip ko kung paano ko iku-kuwento sa kanya ang parating laman ng isip ko.
"Jen, posible ba 'yon?"
"Ang alin?" naguguluhang tanong niya.
"May nakilala kasi akong lalaki, at naging crush ko. Nakakatawa man pero huling kita ko sa kaniya ay no'ng 2017 pa, but he was still lurking in my mind nonstop."
"E, hindi na 'yan bastang crush, in love ka na sa kaniya."
"You mean, mahal ko na siya?"
"My God! Hindi mo alam ang sarili mong feelings?"
"Medyo naguguluhan kasi ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko."
"Hala! Nabuang ka na siguro sa kaniya."
"Baka nga," sambit ko.
"Ay gaga!" muling singhal niya at umiling. "Kung talagang gustong-gusto mo siya, make him yours."
"Hindi pwede. Committed na siya sa iba."
Napasapo siya sa kaniyang noo at muling napailing. "Hay naku! Bakit ka kasi nahulog sa taong pag-aari na pala ng iba?"
"Ano bang magagawa ko? E, ang tanga nitong puso ko. Saka 'di ba, kapag tinamaan ka ng puso ni Kupido, wala ka naman talagang kawala?"
"Ewan ko sa 'yo," sabi niya at inismiran ako. "Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?"
"Well, besides his good looks, he's a hard-working man. Masipag, maaasahan at mabait," nakangiting sabi ko.
"Ngiti mo pa lang habang dini-describe siya, halata nang in love na in love ka sa kaniya. Tsk, tsk!" Inabot niya ang kaniyang baso at uminom ng tubig. "Baka kaya mo pa naman siyang maagaw -"
"Hindi ako manunulot! I do respect relationship of others," putol ko sa sinasabi niya. "But, honestly, these past few days of stalking him on Facebook, may mga napansin ako. Hindi na sila friends at single na rin ang relationship status ni Ate Girl. Puro pa hugot ang mga shared post niya. Feeling ko, nag-break na sila."
"Then it's your time to shine!" nakangiting sambit niya. "Umamin ka sa kaniya. Malay mo, he loves you back."
"I don't have the courage, saka hindi kami close."